KABANATA 3 PAMAMARAAN AT METODOLOHIYANG GINAMIT SA PAG-AARAL Sa kabanatang ito nakapaloob ang disenyo ng pananaliksik, mga pamamaraan sa pag-aaral, paraan ng pangangalap ng mga datos, paraan ng pagbibigay-halaga sa mga datos at metodolohiyang ginamit sa ginawang pagsusuri. Disenyo ng Pananaliksik ANO NGA BA ANG TEKNOLOHIYA? Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya. Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang imbento katulad ng gulong. Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito. Sa panahon ngayon, masasabing madaming bansa na ang high-tech. Talamak ang paglaganap ng teknolohiya sa buong mundo. Dahil sa mga ito, mas napapadali ang ating mga gawain. Maraming uri ang teknolohiya at maraming gamit ang mga ito. Ang teknolohiya ay nakakatulong sa mga paraang tulad ng: · Teknolohiya bilang gamit Ito’y mga gamit at makina na maaring tumulong sa ating gawain pagdating sa pag-aayos ng mga sirang gamit at paggawa ng mga produkto. · Teknolohiya bilang teknik Ito’y kasalukuyang antas ng ating kaalaman kung paano pagsasama-samahin ang mga materyales upang maka-gawa ng mga produkto, maka-tulong sa mga problema, at makamtan