ANG PANAHON NG HAPON MARTSA NG KAMATAYAN (Death March) Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2 1942. Sumuko ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag na Martsa ng Kamatayan) papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng Tarlac. Nagtagal nang tatlong mga taon ang pananakop o okupasyon ng mga Hapones sa Pilipinas. -sumibol ng lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbabawal ng namumunong hapon ang paggamit ng wikang ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa . sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nilikha. -Itinuring ang panahong ito bilang Gintong Panahon ng Panitikang Tagalog. -Nagkaroon ng karagdagang anyo ang tula kung saan tinawag itong , malayang taludturan o "free verse". -Ang naging paksa ng mga akda sa panahong ito ay "Buhay Lalawigan". Ang pananakop ng mga hapones sa pilipinas ay ang panahon sa kasaysayan ng pilipinas mula 1942-1945 noong ikalawang digmaang pandaigdig kung kailan nilusob ng imperyo ng hapon ang pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangarihan ng estados unidos. habang nagaganap ang ikalawang digmaang pandaigdig binomba ng hukbo ng mga sundalong hapones ang pilipinas noong disyembre 8, 1941 naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga hapones ang pearl harbor , hawaii at estados unidos. Mga kaganapan ng panahong iyon PAGSIBOL NG PANITIKANG FILIPINO TULA Ang isa sa mga anyo ng panitikan na nagkaroon ng higit na pagbabago o impluwensya noong panahon ng Hapon. Inilabas dito ang uri ng tula na kung tawagin ay : HAIKU - tulang binubuo ng labimpitong pantig na may tatlong taludtod. - Ang una at ikatlong taludtod ay mayroong limang pantig habang ang ikalawang taludtod naman ay mayroong pitong pantig. (5-7-5) - Maikli lamang ito ngunit nagtataglay ng matalinhagang kahulugan. - Ang karaniwang paksa sa tulang ito ay patungkol sa kalikasan. Halimbawa ng Haiku ni