halimbawa ng detalyadong banghay aralin sa filipino Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 2 I. Layunin Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. natutukoy ang dinaramdam o mensahing ibig ipaalam ng mga hayop; B. naibibigay ang ibat-ibang huni o ingay na nagagawa ng hayop; C. nabibigyang halaga at nauunawan ang anu mang uri ng huni ng mga hayop at D. nakapagsasalita nang maliwanag. II. Paksang Aralin A. Paksa: Pagtukoy sa dinaramdam o mensahing ibig ipaalam ng mga hayop. B. Sangunian: Landas sa Wika at Pagbasa pahina 9-12. C. Kagamitan: Plaskard, mga larawan at libro D. Pagpapahalaga: Pagunawa sa dinaramdam na mensahing nais iparating ng mga hayop sa tao. E. Integrasyon: Science and Health at Values Education III. Pamamaraan Gawaing Pang-Guro Gawaing Pang-Magaaral A. Panimulang Gawain 1. Pambungad na Panalangin Bago po tayo magsimula sa ating aralin magsitayo po muna tayo para sa ating panalangin. Magandang umaga/hapon sainyong lahat. 2. Pagtala ng Liban Ngayon naman leder pakitsek po kung sinu-sinu ang mga liban para sa araw na ito. 3. Pagtala ng Takdang-Aralin Ngayon naman ay tingnan natin kung Lahat ay tatayo at manalangin. Sa ngalan ng ama ng anak…. Magandang umaga/hapon din po ma’am. Leder ang magtsetsek ng attendance.