CLEDWIN B.CARLOS, SRC MABATHALANG PAG-AARAL SA PANANAW AT KARANASAN SA BUHAY PANANAMPALATAYA NG MGA KABATAAN NG CALUMPIT, BULACAN HINGGIL SA TRADISYON NA LIBAD SA TANGLAW NG EBANGHELYO NI SAN LUKAS 3:21-22 IKALAWANG KABANATA ANG KARANASAN AT KAMALAYAN NG KABATAAN NG CALUMPIT BULACAN SA TRADISYONG LIBAD A. Panimula Ang kabanatang ito ay tatalakay sa pinagmulan sa bayan ng Calumpit at ng Parokya ni San Juan Bautista sa Calumpit, Bulacan, na naka- angkla sa mga mamamayan nito sa pagbuo ng Libad o prusisyon sa Ilog. Ilalahad dito ang kasaysayan ng Libad , at kung paano nakikisangkot ang mga kabataan sa gawain o tradisyong ito. Sila ang magiging paksa ng pananaliksik na ito. Atin ding uunawain at kikilatisin ang kanilang nagiging pakikisangkot sa simbahan at pamayanan pagkatapos na sila ay maging kabahagi sa pagsasagawa ng Libad. Atin ding ilalantad ang kanilang hinaing, paniniwala at mga natutuhan sa pagsama sa taunang gawaing ito. Bibigyang pansin sa kabanatang ito kung paanong ang libad ay naging isang tradisyunal na gawain tuwing bisperas ng Pista ni San Juan Bautista, na siyang patron ng 1