Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV – A CALABARZON Sangay ng Lungsod ng Calamba Camp Vicente Lim Integrated School Mayapa, Calamba City, Laguna ACTION PLAN PARA SA REMEDYAL SA FILIPINO 8 TAONG PANURUAN 2018 – 2019 PAKSA: Remedyal Class KAGAMITAN: Aktibiti Sheets, Flashcard at Biswal LAYUNIN: 1. Maturuan ng lubusan ang mga mag-aaral na may palagiang mababang marka sa Filipino 8. 2. Magkaroon ng dagdag na oras at panahon sa pagtatapos ng klase sa mga araw ng Huwebes at Biyernes. NILALAMAN: . Sa ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga kagamitang panturo ng mga guro bilang suporta sa kurikulum. Isinasaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum ang pangangailangang panlipunan, local at global na pamayanan, maging ang kalikasan at pangangailangan ng mga mag-aaral. Dahil sa ang Filipino ay nasa disiplina ng Wika, pinagbatayan ang mga teorya sa kalikasan at pagkatuto ng Wika, mga teorya/simulain sa pagsusuring literasi at mga pagdulog sa pagtuturo ng WIKA (W1,W2,W3) at pagtuturo ng mga akdang pampanitikan. MGA AKTIBITI: Ang bawat mag-aaral ay magkakaroon ng Gawain gaya ng mga sumusunod; 1. Paghahanda ng listahan ng mga mag-aaral sa Ikawalong Baitang na may markang 75 pababa. 2. Pagsasagawa ng Pre- Assesment. 3. Pagreremedial 2 beses sa loob ng isang linggo sa mga batang hindi nakapasa sa PRE-ASSESMENT. 4. Pagbibigay ng POST ASSESMENT. 5. Paggawa ng ulat ukol sa progreso ng remedial na pagtuturo. 6. Pagsasagot sa mga inihandang aktibiti ng guro para sa pagdaragdag kaalaman sa paksang di masyadong naunawaan ng mag-aaral. PAGSUSURI: Ang resulta ay ibib igay sa pagtatapos ng bawat grading period para sa lalong ikalilinaw ng resulta ng pagkatuto. PAGLALAPAT: May dalawang sesyon sa mga araw ng Huwebes at Biyernes kung saan may 45 minutong gugugulin para sa pagsasanay, pagtugon sa mga ihahandang gawain ng guro para sa lalong ikauunlad ng kakayahan ng mga mag-aaral. Inihanda: MARY ANN P. MANALO Guro I – Filipino 8 Binigyang Pansin: ARLENE H. MAILOM Ulongguro IV – Filipino Pinagtibay ni: MILDRED M. DE LEON Punongguro III