“EPEKTO NG PAGGAMIT NG GADGET NG MGA KABATAAN SA MURANG EDAD; 7 HANGGANG 13 TAONG GULANG” Ang tao ay hinuhubog ng kanyang mga mithiin. Ang kanyang puso at kaluluwa ay hinugis ng bawa’t pagnanasa bilang isang makamundong nilalang. Mapaghanap, mapusok, malikhain. Ang tao ay hindi tumigil sa pagkamit ng bawa’t bagay na alam niyang kanya dapat mapasakamay. Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang Gawain ng tao ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya. Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamitang kalian lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Ayon man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang imbento katulad ng gulong. Ang isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ang kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto "at kung anumang maibubunga ng ang kaalaman”. At gayon, nakikita nan ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ang kaalaman dito. Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabu o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may