1 KASAYSAYAN NG PASYONG MAHAL NI HESUKRISTONG PANGINOON NATIN (COPYRIGHT 1949 BY IGNACIO LUNA & SONS) Panalangin sa Diyos Oh Diyos sa kalangitan Hari ng sangkalupaan Diyos na walang kapantay, mabait lubhang maalam at puno ng karunungan. Ikaw ang Amang tibobos ng nangungulilang lubos amang di matapus-tapos, maawi't mapagkupkop sa taong lupa't alabok. Iyong itulot sa amin Diyos Amang maawain mangyaring aming dalitin, hirap, sakit at hilahil ng Anak mong ginigiliw. Panalangin sa Mahal na Birhen At ikaw Birheng Maria Ina't hari ng awa ka bukod sa tanang sampaga, di matuyo't di malanta dikit mong kaaya-aya. Ikaw rin po't siya lamang Sedes Serpientine ang ngalan; luklukan ng karunungan at kaban kang sinusian ng Diyos sa kalangitan. Toreng walang pangalawa ni David, bunying Propeta bahay na ganitong sinadya, pinamahayang talaga ng ikalawang Persona. Ikaw rin Birheng Mahal bituin sa karagatan mapag-aliw sa may lumbay, kuta ng makasalanan matibay sa katibayan. Reynang walang kahulilip ng sanlangitan angheles pinupuring walang patid, ng Tronos, Dominaciones, Virtudes at Potestades. Emperatris na mataas ng Patriarkas, Propetas Birheng walang makatulad, bukod sa babaing lahat ng nag-iwi sa Mesias. Yayang ikaw ay di iba batis ng Misericordia binabalungan tuwi na, ng awa't mahal na grasya ng bunying tatlong persona. Kami po ay uod lamang sa lupa ay gumagapang lipos ng dilang kasamaan, Birhen, kundi mo tulungan anong aming kapakanan? Ang paglalang ng Panginoong Diyos nitong buong mundo Ang lupa't sampu ng langit hangin at ang himpapawid hayop, isdang nasa tubig, taong hamak na bulisik may karamdaman at bait. Ano pa't ang balang bagay na di nating natitignan dapat sampalatayanan, na ang isang Diyos lamang ang may gawa at may lalang. Dili iba't at siya nga lubos na may manukala ng gawang hindi mahaka, kusa niyang inadhika sa taong hamak na lupa. Kaya ngayon at ang dapat tayo'y maniwala't sukat sa Santisima Trinidad, tatlo sa pagka-Personas iisang Diyos na wagas. Ito ring Diyos na tunay