Lengguwahe sa Pag-aaral ng Palatuusan: Kahalagahan sa Paggamit ng Wikang Ingles at Wikang Filipino sa Mag-aaral ng Palatuusan Calaguas, Hannah Beatrice C. Ang Accounting o Accountancy ay ang pagsukat, pagpoproseso at komunikasyon ng impormasyon tungkol sa mga etalidad ng ekonomiya tulad ng mga negosyante at korporasyon (Wikipedia). Kadalasang nahihirapan ang mga mag-aaral sa pag-gamit at pagproseso ng mga terminolohiya o salita na nagdudulot ng pagkalito sa ibat’ ibang lengguwahe ng kompanya na pinapasukan ng mga nagsipagtapos ng palatuusan. May nasaliksik akong resulta sa maling pagkakaunawa ng mga transaksiyon ukol sa mga terminolohiyang salita at nagkakaroon ng maling pagkakalagay at pagkakalista ng mga datos. Papalawigin ko ang papel na aking nasaliksik upang magbigay linaw sa bawat isa at malaman ang angkop na dapat gamiting wika sa pag-aaral. Ito’y lubhang mahalaga para sa mga napupusuang mag-aral o mag-aaral ng palatuusan sa hinaharap. Mahahasa ang lengguwaheng jargon ng mga palatuusan at mapagtuunan ng pansin ang wikang kanilang propesyon. Ang layunin ng papel na ito ay malaman ang angkop na wikang dapat gamitin sa pag- aaral at mapatunayan kung bihasa ba talaga ang mga nag-aaral at nagsipag tapos ng palatuusan sa paggamit ng wikang kanilang propesyon. Tiyak na maipapaliwanag at maisasaad ang kahalagahang nangingibabaw sa wikang Ingles at maipagkumpara ang kaligiran ng paggamit ng wikang Filipino sa wikang Ingles ng Palatuusan (Accounting).