Ang KONKOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani kanilang mga komunidad sa partikular at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Ang KONTEKSTWALISADO ay nangangahulugang mahirap maunawaan ang nilalaman o konteksto kung hindi ito nauunawaan o naiintindihan ang kahulugan. KOMUNIKASYON ang tawag sa Isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Ito ay mula sa salitang latin na “ Communis” na nangangahulugang panlahat. May dalwang uri ang komunikasyon. BERBAL at DI-BERBAL BERBAL - ito’y komunikasyon na pasalita o gumagamit ng tinig. DI-BERBAL itoy uri ng komunikasyon na simbolo at senyas ng kamay ang ginagamit upang makipagtalastasan. Ang KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON ay isang paraan sa paggamit ng wikang Filipino sa pagsasalita sa kapwa tao at pagsusulat gamit ang wikang Filipino. Nakatuon dito ang pakikinig sa tao gamit ang wika natin at pagsusulat gamit ang wikang Filipino. Ang WIKA ay inilarawan bilang identidad ng isang bayan o bansa, ang kaluluwa o sumasalamin sa ating kultura at ang nag-uugnay sa isa’t isa. Ang WIKA ay mahalaga sa sarili, kapwa at lipunan. FILIPINO- Ito ay ang WIKANG ginagamit ng mga naninirahan sa Pilipinas,ang pambansang wika ng mga Pilipino. PILIPINO- ang tawag sa mga TAONG naninirahan sa Pilipinas. Nakasaad sa Saligang Batas 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 na FILIPINO ang opisyal na tawag sa Pambansang Wika ng Pilipinas. Isinasaad sa mga sumusunod na seksyon ang hinggil dito. SEKSYON 6. Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino, Samantalang nalilinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin sa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. TANGGOL WIKA (Alyansa ng mga tagapagtanggol ng wikang Filipino) Isang samahan na naglalayong ipaglaban o ipagtanggol ang paggamit ng wikang Filipino upang mas lalong mapagyaman ang ating kultura. Tinutulan din ng samahang ito ang CHED Memorandum no.20 series of 2013. Si Manuel L. Quezon ang Ama ng wikang Pambansa at si Bienvenido Lumbera naman ang pambansang alagad ng sining at Panitikan. Ched memorandum no. 57, series of 2017- Course Syllabus sa Filipino