Prevenient Grace Roma 5:6-11 “Therefore in as much as God works in you, you are now able to work out your salvation. It is possible for you to love God, because he has first loved us and to walk in love, after the pattern of the Great Master. (John Wesley, On Working out Your Salvation) Ang taong makasalanan ay patay sa harapan ng Diyos. Wala siyang kakayanang maabot ang Diyos. Maging ang kanyang pangangailangang maligtas ay hindi niya namamalayan. Saan nagsisimula kung gayon ang pagliligtas? Paano nagkakaroon ng kamalayan ang isang tao upang magsisi, at muling tumawag sa Diyos upang siya ay iligtas? ANG UNANG PAGKILOS NG DIYOS Noong panahon ni Wesley, may dalawang magkalabang kaisipan kung paano naliligtas ang taong makasalanan. Ang isa ay ang kaisipan na ang tao ay may sapat na lakas upang iligtas ang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti. Ang ikalawang kaisipan ay nagsasabi na lubusang walang kakayahan ang tao upang iligtas ang sarili, kung kaya’t nasa sa Diyos ang lahat desisyon kung sino ang maliligtas at kung sino ang mahuhulog sa impierno. Ito ay tinatawag na “predestination”. Ayon sa turong ito, kahit magsisi pa ang isang tao, at magbagong buhay, subali’t kung itinalaga na siya ng Diyos sa impierno, siya ay mapaparusahang pang walanghanggan. Para kay Wesley, ang unang kaisipan ay hindi itinuturo ng Biblia, samantalang sa pangalawa, lumilitaw na ang Diyos ay hindi makatarungan. Bukod pa rito, lumilitaw din na ang tao ay walang kakayahang mamili para sa kanyang kaligtasan (freewill), at nagiging walang kabuluhan ang pagsunod (obedience) at mabuting gawa, dahil tanging ang Diyos lamang ang gumagawa sa pagliligtas. Sa pananaw ni Wesley, ang dalawang turong ito ay hindi totoong magkasalungat, kundi parehong mahalaga. Ang paghihiwalay ng mga ito ay nagreresulta sa maling turo at hindi balanseng kaisipan tungkol sa pagliligtas. PREVENIENT GRACE Sa ating pagiging makasalanan, totoo na tayo ay walang lakas upang iligtas ang sarili, kaya dapat tayong umasa ng lubusan sa Diyos. Subali’t tayo ay may kakayaang tumugon sa tawag ng Diyos. Ito ay ang biyayang kaloob ng Diyos sa bawat tao na tinawag na prevenient grace ni Wesley. Na bagama’t patay dahil sa kasalanan, ang bawat tao ay pinagkalooban pa rin ng Diyos ng kakayaang tumugon sa Kanyang pagtawag. Hindi tayo ang unang kumilos, at hindi tayo ang nagpasya, sa halip ang Diyos ang unang gumawa ng paraan upang tayo ay maligtas. Kapag ang isang tao ay tumawag na sa Diyos at nakaroon siya ng pagnanais na maligtas, ang biyaya ng Diyos ay kumikilos na sa taong ito. Ang prevenient grace ay hango sa salitang prevent na sa kasalukuyan, ang kahulugan ay pigilan, Ngunit noong panahon ni Wesley, ang kahulugan ng salitang ito ay to anticipate, o to go before, kung kaya’t ito ay nangangahulugan ng “paunang biyaya ng Diyos na ipinagkaloob sa tao tungo sa kaligtasan”. Ang binalangkas ni Wesley ay isang balanseng turo, na ang Diyos ang gumawa ng lahat ng paraan upang tayo ay maligtas. Subalit ang tao ay may sariling pagpapasya. Ang