Tuwing unang Sabado ng buwan nakagawian na ni Chopchopen ang paggising nang maaga. Patakaran kasi ng kanyang ama na dapat may makabuluhang proyekto o gawain silang matatapos kada buwan. Sumasama siya sa kanyang ama patungo sa bukid na sinasaka nila. Tumutulong siya sa paglilinis ng damo sa pader ng bukid at pag-aalis ng kuhol lalo na kung malapit ng matamnan ng palay ang mga bukid. Kapag malaki naman ang mga palay ay matiyaga nilang inaayos ang mga pilapil ng palayan at isa-isang inaalis ang damong ligaw sa pagitan ng puno ng palay. Pag medyo gumaan ang trabaho sa bukid magkakaingin naman ang mag-ama na tatamnan ng gulay o puno na may bungang prutas. Habang daan ay nagkukuwentuhan ang mag-ama. ‘’Anak, alam mo ba kung bakit lagi kitang isinasama sa bukid tuwing kayo’y walang pasok? tanong ng ama. ‘’Opo tatay, tutulungan kita sa gawain mo kasi Sabado, walang pasok ngayon”, wika ni Chopchopen. ‘’Tama ka anak, pero hindi lang iyon ang punto ko, ang gusto ko ay para malaman mo kung paano ko ginagawa at kung gaano kahirap ang aking mga gawain sa bukid. Sinuway ko ang pangaral ng aking mga magulang noon kaya hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. “Maging salamin sana ako sa buhay niyong magkakapatid. Ayaw ko sana na maranasan niyo ang mga naranasan kong hirap sa buhay ko.” “Mabuti ang magbinat ng buto pero mahirap magkasakit kasi walang ipon at kulang na kulang ang kita sa pagsasaka. Kadalasan lugi pa kung ikukumpara ang gastusin sa produkto o aning nakukuha rito.” Paano na lang tayo mabubuhay kung lagging lugi at walang kita buti na lang at may permanenteng trabaho ang nanay niyo kaya nakakaraos tayo kahit papaano.” “Opo tatay alam ko na po ang ibig mong sabihin kasi paulit-ulit niyo naman pong kinukwento at lagi niyo rin akong pinapaalalahanan. Huwag po kayong mag-alala iigihan ko po ang aking pag-aaral at magsisikap din po ako para makapagtapos TALASALITAAN: sinuway - hindi sinunod pangaral - payo * Sagutin nang wasto ang mga tanong: 1. Sino ang mga tauhan sa maikling kwento? a. ama at si Chopchopen b. Chopchopen at ina c. tatay at nanay d. Chopchopen at kamag-aral 2. Ano ang tagpuan ng maikling kwento? a. sa bukid b. sa bahay c. araw ng sabado d. lahat ng nabanggit e. wala sa nabanggit 3. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng simula ng kwento? a. Pagpapaalala at panghahamon ng ama sa anak para di matulad sa kapalaran niya. b. Maagang paggising ni Chopchopen para tulungan ang gawain ng ama sa bukid. c. Pang-ako ng anak sa hamon ng ama at pagpapaasa/pangangako sa mga magulang na mapagtatagumpayan nitong makatapos sa pag-aaral. 4. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng kalagitnaang pangyayari ng kwento? a. Pagpapaalala at panghahamon ng ama sa anak para di matulad sa kapalaran niya. b. Maagang paggising ni Chopchopen para tulungan ang gawain ng ama sa bukid. c. Pang-ako ng anak sa hamon ng ama at pagpapaasa/pangangako sa mga magulang na mapagtatagumpayan nitong makatapos sa pag-aaral. 5. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng wakas ng kwento? a. Pagpapaalala at panghahamon ng ama sa anak para di matulad sa kapalaran niya. b. Maaga ang paggising ni Chopchopen para tulungan ang gawain ng ama sa bukid. c. Pangako ng anak sa hamon ng ama at pagpapaasa/pangangako sa mga magulang na mapagtatagumpayan nitong makatapos sa pag-aaral. 6. Gumawa ng isang pangako sa anyong patula o pa-rap o pakanta. Itanghal ito sa klase. TALASALITAAN: mayaman - sagana kadangyan - angkan na sagana sa alagang hayop, ari-arian at kagamitan. Kultura-paraan ng pamumuhay ng mga tao na nagbibigay ng pagkakakilanlan. TANGING YAMAN PANGAKO “Magbigay ng reaksiyon sa salitang mayaman. “Sino ang tunay na mayaman? Tanong ng guro sa mga mag-aaral. Ang isang tao ay mayaman kung marami siyang pera, wika ni Bawan. Kasi “maaari kang bumili anuman ang gustuhin mo at makakapagliwaliw pa saanmang lugar na nanaisin mo dahil nga mayaman ka. “Ako naman! Sabi ni Makker, ayon sa lolo ko”, mayaman ang isang tao kung marami siyang iba’t-ibang alagang hayop gaya ng kalabaw, baka, kambing at iba pang alagang hayop na pwedeng pakinabangan/makatulong sa paghahanap-buhay. “Si lola Ingkhay naman narinig ko sa kanya na mayaman ang isang tao kapag marami siyang anak, ari- arian at kasuotan”, ang sambit ni Jether. Dito sa atin may nagsasabing ang mayaman ay may iba’t ibang lupain katulad ng bukid o sakahan, kaya nga raw sa ating lugar may “kadangyan” na kadalasan ay pinasasaka/ pinagagamit/pinahihiram pansamantala ang kanilang bukid para makatulong sa kabaryo natin. Bayanihan din tayo sa mga gawain sa bukid at may pagkakaisa ang mga tao dahil iginagalang ang ating mga kultura na gaya ng “teer” kaya kayamanan pa rin iyon, katwiran ni Zion. “Tama, sang-ayon ako lahat diyan sa mga sinabi niyo kaya lang mas naiintidihan ko na ngayon na ang kayamanan na tinutukoy niyo ay maaaring mawala. Tingnan niyo ang nangyari sa bukid o hagdang hagdang palayan natin. Maraming napinsala ng dumating si bagyong “Ondoy at Rosita” turan ni Amkikid. “Kheday sidi, kheday sina. Ang pera naman ay pwedeng maubos kaagad lalo na kung mali ang paraan ng paggamit o paggasta ng isang tao” dagdag pa ni Oyo. “Samantalang kung tayo ay makakatapos sa ating pag-aaral ay hindi mauubos o mawawala iyon, kaya isang hamon sa ating lahat na subukang taglayin ang mga wastong kaugalian at wastong pagpapahalaga kahit pa minsan ay tinatamad sa pag-aaral dahil mahilig pa rin tayong maglaro” sabi naman ni Karnod. “Sakto lahat ang mga sinabi niyo kaya ang edukasyon o pinag-aralan ay isang tunay at natatanging kayamanan” sang-ayon ng kanilang guro. Natumbok niyo na rin ang dalawang uri ng kultura na paksa natin sa Araling Panlipunan. “Oo nga po! Ngayon ko lang napagtanto na marami pala tayong kulturang materyal at kulturang material. Doon po sa kulturang materyal kabilang ang pera, lupain, kagamitan, kasuotan at hayop habang doon naman sa kulturang di-materyal hahanay ang edukasyon, kaugalian, pagpapahalaga, sayaw at laro, dagdag pa ni Hannah.” Ang gagaling niyo naman mga bata! Pangwawakas ng kanilang guro.