KABANATA I Introduksyon A. Kaligiran ng Pagaaral Larawan ng isang batang nanunungkit ng bunga ng mangga sa barangay ng Ilog Bulo kung saan makikita rin ang mga lubak at sirang daan Buhay pa rin sa aking ala-ala ang dahilan na siyang nagtulak sa akin upang gawin ang pag-aaral na ito. Nakahiga ako noon sa kawayang higaan ng aking maaninag ang isang piraso ng kahoy kung saan nakalilok ang mga katagang “Punong Barangay” at sa ibabaw nito ay ang pangalan ng aking lolo. 1 Hindi ko alam kung bakit ito ay tumatak sa aking isipan, marahil ay dahil madalang lamang kaming umuwi sa bayan ng aking ama o di kaya'y ang aking kabataan ang siyang mga bahagi ng aking buhay na aking hindi malilimutan. Malinaw pa sa aking 1Tignan sa Apendiks E Page | 1