Mga Isyu o Problema ng Kabataan ngayon at mga Solusyon kaugnay nito. Ansherina Sudario Uncategorized February 27, 2018 2 Minutes Mga Isyu/Problema ng kabataan ngayon: 1.Paggamit ng Marijuana/Droga Marami sa mga kabatan ngayon kahit sa murang edad ay gumagamit na nito. Sa panahon ngayon maraming kaso na ang naitala na kasangkot ang maraming kabataan sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Kadalasan ang mga dahilan ng ilang kabataan sa paggamit nito ay may mga problemang personal, pampamilya o kung anuman na gusto lang nila na maibsan ang kalungkutan na nadarama na ito’y bawal dahil sa may masamang epekto. 2. Maagang Pagbubuntis Ito rin ang isa pang problema ng mga kabanatan ngayon lalo na sa mga kababaihang maagang pumasok sa isang relasyon na humantongsa ganitong sitwasyon na malaki ang magiging epekto nito sa kanilang kinabukasan at maaring makasama din sa kalusugan dahil sa maagang pagbubuntis. 3. Edukasyon Kakulangan sa Edukasyon ang isa pang problema ng kabataan ngayon. Ang karaniwang dahilan nito ay ang kakulangan sa pangtustos ng kanilang mga magulang, mataas na matrikula, problema sa pamilya at marami pang iba na hindi sila nakakapagtapos ng pag aaral dahil dito.