Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino I. Layunin: Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang: a. Naipaliliwag ang kahulugan ng liham paanyaya, b. Nabibigyang halaga ng mga mag-aaral ang mga bahagi ng liham paanyaya sa pamamagitan ng pag-uulat; at c. nakasusulat ng isang liham paanyaya na may temang pagmamahal sa magulang, kapatid, kasitahan at kaibigan. II. PaksangAralin a. Paksa: Liham paanyaya at mga bahagi nito b. Sanggunian: Panitikang Pandaigdig, Filipino, Modyul para sa mga Mag-aaral c. Kagamitan: Pantulong na biswal, manila paper, pentel pen III. Pamamaraan Gawain ng Guro A. Panimulang Gawain a.1 Panalangin Tatawag ang guro ng isang mag-aaral upang pangunahan ang panalangin. a.2 Pagbati Isang napaka gandang hapon sa lahat. a.3 Pagtala ng mga lumiban sa klase Mayroon bang lumiban sa klase? a.4 Pagbibigay ng Alituntunin Bilang mag-aaral, ano ang gagawin ninyo kapag may nagsasalita sa harap? a.5 Pagpasa ng Takdang-Aralin Ipasa ang inyong mga takdang-aralin sa harapan nang walang ingay. B. Panlinangna Gawain b.1 Pagganyak Magpapalabas ng isang video clip ang guro na napatutungkol sa paggawa ng isang liham paanyaya gamit ang explosion box. Bibigyan ang bawat pangkat ng explosion box bilang halimbawa ng isang liham paanyaya.