ARALIN 1. ABSOLUTE NA LOKASYON GAMIT ANG MAPA I. Layunin: 1. Nailalarawan ang lokasyon ng Pilipinas sa mapa. 1.1 Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo gamit ang mapa batay sa “absolute location” nito (longhitude at latitude) 1.2 Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa karatig bansa na nakapaligid ditto gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon. II. Paksang Aralin: a. Paksa: Absolute na lokasyon gamit ang mapa 1.1 Prime meridian, International Date Line, Equator, North and South Poles, Tropics of Cancer and Capricorn at Arctic and Antarctic Circles 1.2 Likhang guhit b. Kagamitan: mapa ng mundo, globo, laptop, projector c. Sanggunian: Learner’s Materials,pp. __ Kto 12- AP5PLP-Ia-1 Makabayan: Kapaligirang Pilipino IV,pp. 9-17 III. Pamamaraan: A.Panimula: 1. Ipakita ang ilustrasyon sa mga bata. Kung titingnan ang mapa, mapapansin na may mga guhit ito.Sadyang inilagay ang mga guhit na ito upang higit na mauunawaan ang mundo na siyang kinakatawan nito. Ang mga guhit na ito ay pawang mga kathang-isip lamang. Hindi makikita ang mga guhit na ito sa mundo. 2. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Pasagutan ang worksheet na naglalaman ng sumusunod na katanungan: a. Ito ay isang lapat na representasyon ng mundo. b. Ano-ano ang makikita sa mapa? c. Ano-ano kaya ang mga guhit na makikita sa mapa? d. Bakit mahalagang malaman ang mga guhit na makikita sa mapa? 3. Isulat sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral. Mga maaaring sagot…. a. mapa b. Mga linya o guhit, mga bansa laki at lawak, karagatan c. Patayong guhit, pahalang na guhit, gitnang guhit d. Maaaring makatulong ang mga guhit upang malaman kung nasaan ang isang lugar. Upang matukoy ang eksaktong kinalalagyan ng bawat lugar sa mundo. 4. Iugnay ang mga sagot sa aralin.