G34- TAPIA, ARIANNE JOYCE S B7- PIGAO, ANDREW PAOLO G22- NATIVIDAD, ARLETTE JEWEL G34- TAPIA, ARIANNE JOYCE S B7- PIGAO, ANDREW PAOLO G22- NATIVIDAD, ARLETTE JEWEL ST. TERESA OF AVILA Kahirapan: Isyung Mahirap Solusyunan Kahirapan, isa sa mga mabigat na isyu na hanggang ngayon ay hindi malutas-lutas sa bansang Pilipinas. Bakit nga ba may kahirapang umiiral sa bansang ito? Sino nga ba ang dapat na sisihin? Ang gobyerno ba na walang ginawa kundi maupo lang at magnakaw ng kaban ng bayan? O ang mga taong para bang pinaglihi sa katamaran at wala nang ginawa kundi umasa sa iba? Ang kahirapan ay maraming sanhi na nagdudulot ng mabibigat na epekto sa lipunan, mamamayan, kapaligiran at kalusugan. Isa sa mga pangunahing sanhi ng kahirapan sa ating bansa ay korpsyon o ang pagnakaw ng mga politiko sa pondo ng bansa. Ang mga opisyales ay inaabuso ang kanilang kapangyarihan na itakwil ang perang dapat para sa kapakanan ng mga mamamayanan ng Pilipinas ngunit napupunta lamang sa bulsa ng mga tiwaling pinuno. Ang sumunod naman ay ang paglobo ng populasyon sa bansang Pilipinas, kung sino pa ang nasa karalitaan ay sila pa ang nagiging dahilan ng mabilis na paglaki ng bilang ng populasyon. Bilang resulta nito, mas malaki ang porsiyento na hindi mabibigyan lahat ng oportunidad na makapagtrabaho at hindi makatanggap ng buong benepisyo mula sa gobyerno. Isa rin sa mga sanhi ay ang kawalan ng disiplina ng mga taong naninirahan sa bansang ito, kung saan maraming Pilipino ang hindi marunong sumunod sa mga patakaran ng ating pamahalaan, at kapag sila ang na perwisyo, ay kaagad nila itong isisisi sa gobyerno . Dahil dito, marami ang masamang epekto nito sa mamamayan. Isang magandang halimbawa ay ang pagkawalan ng oportunidad para sa mga kabataan na makapagaral dahil sa kakulangan ng pera ng kanilang pamilya, imbes na pumapasok sa eskwelahan ang mga bata ay napipilitan na magbanat ng buto sa murang edad at maghanap ng pagkakakitaan upang mairaos ang pamumuhang ng kanilang pamilya. Marami pang maaring sanhi ang kahirapan, hindi mabigyan ng solusyon ang mga ito dahil sa mga sanhing nasabi na may malaking epekto sa bansa. Mahirap masolusyunan ang isang suliranin kung ang bawat isa ay hindi gumagawa ng paraan upang malutas ito. Hindi dapat ang gobyerno ang laging masisisi, kundi dapat lahat ng mamamayan. Kailangan kumilos ang bawat isa at magkaroon ng disiplina upang buong tiyak na maayos na pamumuhay at kinakabukasan ay makamit. Dapat, tayo’y magsimula nang magtulungan at isantabi ang mga pansariling interes upang unti-unting nang mabigyan ng kasagutan kung paano masosolusyunan ang ganitong klase ng suliranin.