KABANATA I SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL RASYUNALE Nalalaman na ang mga estudyante ng Unibersidad ng Pangasinan ay binibigyang halaga ang Kultura ng Pangasinan. Nababatid din na isinasabuhay ang Kulturang Pangasinan hindi lamang sa pansariling kagustuhan kundi nais manatili sa puso at kaluluwa ng mga Pangasinense lalo na sa mga kabataan na ang Kulturang Pangasinan ay ang Pundasyon ng Kulturan ng Pilipinas. Ang Pokus ng pananaliksik ay para malaman na ang Kulturang Pangasinan ay totoong Pundasyon ng Kultura ng Pilipinas. Makatutulong ang pananaliksik na ito sa isang indibidwal na nais malaman at matutunan ang kultura. SULIRANIN NG PAG-AARAL Layunin ng pananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na suliranin. A. Pangunahing Suliranin Ang Kultura ba ng Pangasinan ay pundasyon sa Kultura ng Pilipinas? B. Tiyak na Suliranin a) Ano-ano ang mga kultura sa Pangasinan? b) Nakakaimpluwensiya ba ito sa mga kabataan? c) Paano ito nakatutulong sa paglago ng kultura ng Pilipinas? 1