Banghay Aralin sa Kindergarten I. Layunin: Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1.Nakikilala ang iba’t-ibang tumutulong sa ating komunidad 2.Natutukoy ag mga tungkulin ng bawat tumutulong sa ating komunidad 3. Napapahalagahan ang bawat tumutulong sa ating komunidad II. Nilalaman a. Paksa: Tumutulong sa ating komunidad b. Sanggunian : National Kindergarten Curriculum Guide 2011 c. Pagpapahalaga: Malalaman ang importansya ng mga tumutulong sa ating komunidad d. Kagamitan: larawan, telebisyon, pisara at mga kagamitan sa art III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pag-awit o pagsayaw / Ehersisyo 3. Pag-uulat ng pumasok at lumiban sa klase 4. Balik-Aral b. Panggayak na Gawain Ang guro ay magpapakita ng isang video presentation at tatanungin ang mga bata kung ano o sino ang mga nakita nila. c. Paglalahad ng Gawain Pagkatapos magpakita ng video, tatanungin nang guro kung ano ang pagkakaparehas ng mga ito. d. Pagtatalakay sa Aralin Ang guro ay magpapakita ng larawan ng mga ilan sa nabangit sa video at isa Isang itong ipapakilala at ipapaliwanag ang mga tungkulin nito sa ating komunidad. Kasama na rin dito ang pagbangit sa kung gaano ka laki ang mga naitutulong nito sa atin, kaya dapat silang mahalin at respetuhin.