1 KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO PANIMULA Ang K+12 ay nangangahulugang kindergarten at ang labindalawang taon sa elementarya at sekondaryang education. Isang taon sa kindergarten, anim na taon sa baitang 1 hanggang 6, apat na taon sa junior high school na tinatawag na baitang 7 hanggang 10, at dalawang taon sa senior high school na tinatawag namang baitang 11 hanggang 12. Ang mga estudyante sa elementarya ay makakukuha ng diploma, gayun din sa junior at senior high school. Ang dalawang taon ng senior high school ay nagbibigay sa kanilang panahon upang makapamili sa siyensya, teknolohiya, musika, sining, agrikultura, isport at pagnenegosyo. Ang labindalawang taon ng basic education ay kailangan upang makarating sa susunod na antas (Mullet 2012). Agosto 2010 pa lamang ay mayroon nang sistema ang mga paaralan para maisakatuparan ng Departamento ng Edukasyon. Base sa nakalap ng DepEd, ang Pilipinas ay hindi pa nakamit ang istandard na kailangan ng mga estudyante para makipagkompetensya sa internasyonal na lebel. Ang ating bansa ay nasa pinaka mababang ranggo sa asignaturang Matematika at Siyensiya sa internasyonal na pagsusulit (Poliquit 60: 2011). Panahon na