1 Binasa sa Ambagan 2011 ng Komisyon ng Wikang Filipino, Filipinas Translation Institute, at University of the Philippines-Diliman, Sept.14-16, 2011, UP-Diliman, Quezon City Ang Bug-at kang Lamigas kag Bugas 1 (Ang Bigat ng Lamigas at Bigas) Genevieve L. Asenjo, PhD. Dept. ng Literatura De La Salle University-Manila http://balaysugidanun.com “Lupa kag dagat sa pinggan,” ito ang paglalarawan sa Antique ng makata nitong si Milagros Geremia-Lachica. Pokus ng ambag mula sa Kinaray-a ang 20 na salitang pang- agrikultura. Maliban sa pagbibigay ng kahulugan at pagsasalaysay sa/ng kultural na aspeto ng salita, tatangkain din ang pagma-mapa ng pagkakatulad at pagkakaugnay-ugnay sa iba pang malalapit na wika sa Visayas, partikular sa Hiligaynon at Cebuano. Isa itong panimulang paghahanda para sa binabalak na Diksyunaryong Kultural sa Agrikultura sa Kinaray-a. no ang kaugnayan ng pagkawala ng wika at kulturang pang-agrikultura sa pagtaas ng presyo ng bilihin? Kung ang kakulangan sa pagkain, at kung gayon gutom, ay isang pambansa at global na isyu, ano ang kaugnayan, kahulugan, kabuluhan ng pag-aaral ng/sa wika at kulturang pang-agrikultura sa pagtatanong tungkol sa gahum? Hal. Sa relasyon ng sentro at gilid, ng historikal at kontemporar- yo, ng teknolohiyang pang-agrikultural at industriyal, ng pagsasadula ng isang ritwal sa pagtatanim o pag-aani at pag-upload nito sa social networking site tulad ng Facebook at YouTube? Ilan ito sa mga tanong na dumating sa akin, at patuloy kong binubuno, nang napag- pasyahan kong balikan ang lupa, partikular ang pagsasaka, bilang sabdyek ng pagkukuwento. Higit kaysa nostalgia, isa itong sikolohikal at emosyonal na pagma- mapa ng isang espasyong konseptwal na hitik sa metaporikal na ekstensyon na maaaring maging sangkap sa posibilidad halimbawa ng pagsulpot-buo ng bagong pantao-panlipunang organisasyon, o kultural na komunidad, o pangyayari. 2 Nag-aambag ang papel ng 20 salita sa Kinaray-a na nakapalibot sa lupa at pagsasaka. Gayunman, wala akong ilusyon na ang pag-aambag na ito ay makasalba sa atin sa pagkalimot at pagpabaya sa lupa at pagsasaka, at kung gayon, makasalba rin sa atin sa napipintong gutom at lalo pang paghihirap. Galing ang mga salitang ito sa barangay na aking kinalakhan. Ang Barasanan sa bayan A