I. PAGPAPATIWAKAL II. PANIMULA: A. PAGPAPAKILALA NG PAKSA Isang malaking biyaya mula sa Diyos ang ating buhay. Kung wala siya,wala din tayo sa ating mundong ginagalawan. Kaya marami tayongnagagawa katulad ng pag-iisip, pagdedesisyon pati din ang kumain,magsalita at kung anu-ano pa. Masasabi natin na mapalad tayong mga taodahil binigyan tayo ng buhay na kung saan malaya tayong mag-isip atkumilos. Ngunit hindi mawawala sa atin ang pagsubok at problema namakakatulong upang maging matatag at huhubog bilang isang ganap na tao.Ngunit ang iba naman ay hindi matanggap itong mga suliranin kaya naisip nalamang na nila na sumuko at magpatiwakal lamang dahil iniisip nila na walang magandang patutunguhan ang kanilang buhay. Ang Pagpapatiwakal oSuicide aypagkilos ng sinasadyang pagsasagawa ng sariling ikamamatay.Ito ay madalas na ginagawa dahil sakawalan ng pag-asa, ang sanhi nito aymadalas na inuugnay samental disorder o sakit sa isipantuladngdepresyon,bipolar disorder,schizophrenia, pagkalulong sa alak,opagkalulon sa droga. Marami sa mga nagpapatiwakal ang ayaw mamatay,kundi gusto lamang nilang wakasan ang anumang nangyayari. Ang bawat isaay may sariling dahilan sa pagpapatiwakal; siya lamang ang nakaaalam,mahirap unawain, at lubhang nakababagabag. B. ANG SARILING PANANAW SA ISYU Ang pagpapatiwakal ay kasalanan sapagkat malinaw na nakasaad sa Bibliya na ang hindi pagkitil ng buhay ay kabilang sa sampung utos ng Diyos na ibinigay sa tao sa pamamagitan ni propetang Moses noong panahon ng lumang tipan. Kaya naman, ang sinumang kumitil ng buhay o pumatay ng kanyang kapwa maging ng kanyang sarili ay magkakasala sa Diyos. Ang gawaing ito ay magagawa lamang ng isang taong walang takot sa Diyos at wala sa tamang pag - iisip. Ang buhay ng tao ay mahalagang kaloob ng Diyos kaya't walang sinuman ang may karapatang bawiin o tapusin ito kundi ang Diyos lamang. III. MGA ARGUMENTO SA ISYU A. BUOD NG MGA ARGUMENTO May dalawang magkasalungat na pagtingin sa pagpapatiwakal. 1. Ito ay isang karuwagan, isang pagtakas sa problema o pagsubok sa buhay. 2. Ito ay isang pinakamataas na porma ng katapangan. Wala na raw kasing makapapantay sa desisyon ng tao na kitilin ang sariling buhay. Pero sa ating lipunang ginagalawan ngayon, Ang pagpapakamatay ng mga taong pinagkaitan sa buhay ay hindi akmang tawaging karuwagan o katapanga. Ito ay isang desperasyon o pinal na pagsuko sa mga pagsubok na kailangang harapin bawat araw.