Pag-aalay kay Selya Nagugunita ni Francisco ang masasaya at malulungkot na sandali ng kanilang lumipas na panahon ni Selya. Kinatatakutan ni Francisco na baka makalimot si Selya sa kanilang pag-iibigan sapagkat noong mga panahong iyon siya ay nakakulong, samantalang si Selya naman ay malaya. Ayon kay Balagtas kailanman ay di niya malilimot ang masasayang araw nila ni Selya na naging daan ng kanilang pagmamahalan. At ngayong siya ay namimigha sa bilangguan ang tangi lamang nakaaaliw sa kanya ay ang paggunita sa larawan ni Selya sa inilimbag niya sa kanyang puso, isip at damdamin. Naaalala rin ni Francisco ang mga lugar sa kanilang pinagtatagpuan noong sila ay matamis na nagsusuyuan, gaya ng ilog Beata, puno ng mangga at ilog Maka, dito ay sinasariwa niya ang matamis nilang suyuan. Kaya siya ay nagsisisi kung bakit di pa niya naitanan si Selya noong panahong iyon. Sana’y din na naagaw ni Mariano Kapule. At siya ay napapaiyak kung nagugunita niya ang nangyari sa kanyang buhay, lagi niyang hinahanap si Selya na nagdulot sa kanya ng libong kaligayahan, sana daw ay din na sila nagkahiwalay. At dahil sa kanyang mga kasawian ay naisip niyang sulan ang “Florante at Laura” na si Selya ang naging inspirasyon at dito ay inilarawan niya ang namong kasawian kay Selya. Sa Babasa Nito Isang pasasalamat ni Francisco sa sino mang babasa ng tula at magpapahalaga nito. Hinihiling niyang subukang unawain ang malalim na wikang ginamit dito dahil kung susuriin ng husto ay malalamang ito ay malinaw at wasto. Kabanata 1: Ang Gubat (saknong 1-7) Sa labas ng Reynong Albanya, may isang gubat na madilim at masukal, dahil sa malalaking punongkahoy at makapal, na dawag ng araw ay di makasikat, kaya ang kapanglawan ay laganap sa loob ng gubat, ang mga hayop na dito ay gumagala, karamiha’y sierpe, hyena, leon at gre. Kabanata 2: Ang Binatang Nakagapos (saknong 8-24) Isang binatang nakagapos sa isang puno ng higera sa gitna ng malawak na gubat sa labas ng kahariang Albanya. Ang binatang ito ay si Florante. Tiyak na kamatayan ang kinabibingitan ng kanyang buhay sa dahilang hindi niya maipagtanggol ang kanyang sarili. Sa Albanya mayroong masasamang-loob ang iniluklok sa trono. Dahil sa pag-iimbot ni Konde Adolfo sa korona ni Haring Linseo at sa kayamanan ng ama ni Florante na si Duke Briseo, sinabugan niya ng kasamaan ang kaharian. Kabanata 3: Alaala ni Laura (saknong 25-32) Sinabi ni Florante sa kanyang sarili na kaya niyang isin ang pagdurusa, kung ito ang gustong mangyari ng Maykapal. Iisa lamang ang tangi niyang hiling, ang maalala siya ng kanyang minamahal sa si Laura. Di niya maiwasang maalala ang kanilang suyuan, at iniisip niya na baka agawin si Laura ng kanyang karibal na si Adolfo. Kabanata 4: Daing ng Pusong Nagdurusa (saknong 33-54) Hinimatay si Florante dahil sa sama ng loob. Nang siya ay mahimasmasan, nagpatuloy pa rin ang kanyang paghihimutok. Ayon sa kanya, bago siya tumungo sa digmaan, may pabaon sa kanya si Laura ng luhaang bandang may letrang L, dahil natatakot si Laura na masugatan siya. Nang dumang siya na may munng galos, agad ginamot ni Laura. Kaya’t ngayo’y natanong niya sa kanyang sarili, kung nasaan na ang lahat ng pag- aaruga ni Laura sa kanya. Kabanata 5: Halina, Laura (saknong 55-68) Tanging hiling ni Florante ay makita muli si Laura at siya'y arugain at damayan sa kanyang mga sakit tulad ng nakaraan. Halos sumuko ang puso ni Florante sa dahas ng panibugho lalo na kung naguguniguni niya sa si Laura ay humilig na sa kandungan ni Konde Adolfo. Para kay Florante ay matamis pa ang mamatay kaysa makita niyang si Laura ay nasa ibang kamay.