Kabanata I Suliranin at mga Kaugnay na Literatura Panimula Isang malaking hakbang para sa Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas ang K-12 kurikulum. Sa layuning mapataas ang kalidad ng edukasyon sa Pilipias, isinakatuparan ang implementasyon nito noong taong 2012. Bagama’t halos walong taon na ang lumipas mula ng ito ay ipatupad, hindi pa rin tumitigil ang kagawaran ng edukasyon sa paglinang ng kasakulyang kurikulum para sa kapakanan ng kabataang Pilipino. Bahagi ng pagpapaunlad na tinukoy ang paglinang ng mga kagamitang pampagtuturo na isang malaking salik sa tagumpay ng guro sa mapanghamong gawain ng pagtuturo. Tinatawag na kagamitang pampagtuturo ang anumang bagay na ginagamit ng guro o nagtuturo na tumutulong sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Ginagamit ito upang maging maayos, madali at nakakaaliw ang pagkatuto ng isang aralin. Nagiging kongkreto, daynamik at ganap ang pagkatuto sa tulong ng mga ito.( Sandoval, 2015) Batay sa tala ng Kagawaran ng Edukasyon humigit kumulang 42 milyong kagamitang panturo ang target na linangin ng K-12. Bunsod nito, naniniwala ang mananaliksik