KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK Ang kabanatang ito ay naglalayong maipaliwanag at mailahad ang mga paraang ginamit ng may-akda upang mabigyang katuparan ang mithiin ng pag-aaral. Ito ay patungkol sa importansiya ng pagsuot ng uniporme ng mga mga-aaral sa lahat ng antas ng grade 10 sa paaralan ng Bacarra National Comprehensive High School sa taong 2019- 2020. DISENYO NG PANANALIKSIK Ang naisagawang pananaliksik ay gumagamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik na gamitin ang “Descriptive Survey Research Design” , na gumagamit ng talatanungan para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondante. Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang naka depende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan. Kung kaya lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sap ag-aaral kung saan maaari ring magsagawa ng pakikinayam at obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos at impormasyon. Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik.