Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research, Vol. 7, No. 1, February, 2019 _____________________________________________________________________________________________________________________ 70 P-ISSN 2350-7756 | E-ISSN 2350-8442 | www.apjmr.com Tekstong Salin ng mga Piling Alamat sa Ikaapat na Distrito ng Iloilo Rhoda Lallen-Pamposa (EdD) Iloilo State College of Fisheries-San Enrique Campus, San Enrique, Iloilo, Philippines francispamposa28@gmail.com Date Received: September 19, 2017; Date Revised: February 21, 2019 Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research Vol. 7 No.1, 70-82 February 2019, Part II P-ISSN 2350-7756 E-ISSN 2350-8442 www.apjmr.com CHED Recognized Journal ASEAN Citation Index Abstrak - Madaling mahulaan kung anong mayroon ang isang bayan sa pamamagitan ng kanyang panitikan. Dito malalaman ang kultura, pamumuhay at lalong-lalo na ang pinagmulan nito. Ito ay maaring sa anyong kuwentong bayan, karunungang-bayan at awiting bayan. Sa pag-aaral na ito, nangalap, nagsalin at sinuri sa Filipino ang mga piling alamat sa Ikaapat na Distrito ng Iloilo sa apat na bayan kung saan matatagpuan ang mga Kolehiyo ng Iloilo State College of Fisheries. Sa mga bayan na ito isinagawa ang pag-aaral. Upang lalong mapagbuti ang pag-aaral ay kinapanayam ng mananaliksik ang mga mahalagang taong kasangkot sa pag-aaral gaya ng mga opisyal ng barangay, matatandang maaring may kaalaman tungkol sa mga alamat at mga taong dalubhasa sa larangan ng Panitikan maging ang Sining at Kultura ng Ikaapat na Distrito ng Iloilo. Matapos ang nga hakbanging nabanggit, isinalin ng mananaliksik ang mga nakalap na mga alamat. Sinuri rin ang mga ito gamit ang Pananalig at Dulog Pampanitikang Historikal, Sosyolohikal, at Kultural. Natuklasan sa pag-aaral na ang mga alamat mula sa Ikaapat na Distrito ng Iloilo ay naganap sa iba’t ibang panahon na naging dahilan sa pagkapangalan ng bawat barangay batay sa tanim, bagay at pangyayari. Tumatalakay rin ito sa mga kasaysayan, pamumuhay at kultura ng mga Ilonggo. Susing-salita: Alamat, Pagsasalin, Pagsusuri, Kultura INTRODUKSYON Ang panitikan ay ang pangunahing salamin ng kultura ng sambayanan. Dito inilalarawan ang kanyang kahapon, ngayon at hinaharap. Dahil sa magkakaibang mga pamaraan ng pagpapahayag ng mga damdamin at kaisipan ng bawat tao, nagiging sarisari rin ang anyo ng panitikan. Nagsimula ito bilang pasalitang pagpapahayag o salim-bibig hanggang sa landasin nito ang daan tungo sa pagkalimbag patuloy itong dumaloy hanggang sa kasalukuyan sa iba’t ibang anyo yulad ng dahil alamat. Sa ganitong paraan ay napagtanto ng nagsisunod na salinlahi ang mga pangyayari at kaisipan ng kanilang mga ninuno. Ang mananaliksik ay nagtuturo ng mga medyor na asignatura sa Filipino sa mga mag-aaral ng Batsilyer ng Elementaryang Edukasyon. Kapag tinatalakay na ang mga alamat kanyang napupuna na ang mga halimbawang binibigay ng mga estudyante na makikita sa mga aklat at internet ay pawang mga alamat ng ibang lugar. Sa lalawigan ng Iloilo lalo na sa Ikaapat na Distrito ay maraming makasaysayan at magandang alamat na maaaring maisama sa mga aklat at magamit sa pagtuturo. Sa ngayon, gaya ng ibang uri ng panitikan, ang alamat ay unti-unti nang nawawalan ng saysay sapagkat kapag ito ay binabanggit ng mga matatanda, binabale-wala at tinatawanan na lamang ito ng mga kabataan. Gayon pa man, ayon kay Siason (2002) may kaunting buhay pa naman itong nalalabi sa mga kanayunan, dahil ang mga alamat ay patuloy pa ring pinaniniwalaan ng mga taganayon. Isa rin itong hamon at pagkakataon para maibahagi ang Panitikang Hiligaynon sa buong Pilipinas. PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang mananaliksik ay naglalayong maisalin, masuri at matalakay ang implikasyon ng mga alamat sa gawi, paniniwala, pag-uugali at uri ng pamumuhay ng mga Ilonggo sa Ikaapat na Distrito ng Iloilo. METODOLOHIYA Paglalahad ng Suliranin Ang mananaliksik ay naglalayong maisalin, masuri at matalakay ang implikasyon ng mga alamat sa gawi, paniniwala, pag-uugali at uri ng pamumuhay ng mga Ilonggo sa Ikaapat na Distrito ng Iloilo.