“Hay, Buhay!” Ang buhay Senior High School (SHS) ay parang pakikipagsapalaran lang yan sa pag-ibig. Mayroong, panahon na masaya, nakakakilig, nakakalungkot, nagtatampuhan, naghaharutan, ngunit hindi rin natin maiaalis ang katotohanan na ang bawat relasyon ay nagkakaroon ng pagkakataon na gusto mo ng sumuko dahil sa bigat ng hamon at pagsubok na inyong kinakaharap. Sa aking pinakabutihing guro, sa aking mga magaganda’t guwapong mga kaklase, at isa iba pang nakikinig ng aking talumpati, akin kayong binabati ng isang maluwalhati’t maginhawang umaga. Sa talumpati ko ngayong araw na ito, aking tatalakayin ang mga karanasan at pagsubok na kinakaharap ng mga Senior High School Students. Ngunit bago iyon, ano nga ba ang Senior High School? Ano-ano ang mga magagandang epekto nito sa mga estudyante pati na rin sa mga magulang? Ang Senior High School ay ang dagdag na dalawang taon sa hayskul. Kung noon ay hanggang sa ikaapat na antas lamang ang hayskul, ngayon ay mayroong na tayong anim. Marami sa mga magulang ang nagrereklamo at hindi sang-ayon sa programang ito dahil, sabi nila, dagdag lamang ito sa gastos at matatagalan ang pag- graduate ng kanilang mga anak. Isa sa mga magagandang karanasan sa buhay estudyante ay ang hayskul. Naging mas masaya dahil nadagdagan ito ng dalawang taon. Sa hayskul, lahat ng kalokohan, kasiyahan, at kalungkutan ay mararanasan. Sa SHS naman, maninibago ka sa umpisa, ngunit habang lumulipas ang mga araw ay nakaka-adjust ka rin sa iyong bagong kapaligiran.