Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon VIII Lungsod ng Catbalogan Taong Panuruan 2019-2020 Banghay Aralin sa FILIPINO 11 I. LAYUNIN: - Natatalakay ang kahulugan ng wika - Naiisa-isa ang mga konsepto ng wika II. PAKSANG ARALIN ARALIN 1- Mga Konsepto ng Wika( Wika, Wikang Pamgbansa, Wikang Panturo, Wikang Opisyal) KAGAMITAN: Tulong biswal Sanggunian: kagamitang Aklat- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino III. PAMAMARAAN a. Pagdarasal -ito ay pangunguhan ng isang mag-aaral -Pagtawag sa mga pangalan ng mga mag-aaral b. Balik-aral - Pagsasagawa ng talatanungan tungkol sa mga paksang tinalakay. - Pagsasalaysay ng mga mahalagang aralin sa paksa. c. Pagganyak -pagtatanong sa mga mag-aaral -pagbibigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang “WIKA” d. Pagtatalakay - Pagtatalakay sa kahulugan ng wika mula sa iba’t ibang katuturan ng mga dalubhasa Gleason (1961) Sapiro (Sapiro sa Ruzol 2014:15) Hemphill(Hemphill sa Ruzol 2014:15) Ang wika ay masestimang balangkas na mga sanasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura. Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin, at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog. Ang wika ay isang masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita o binibigkas na pinagkaisahan o kinaugalian ng isang pangkat ng mga tao, at sa pamamagitan nito’y nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao. -pagtatalakay at pagbibigay halimbawa tungkol sa mga katuturan. -pagbibigay panahon sa mga mag-aaral upang magpahayag ng kanilang ideya hinggil sa paksa. wika