Learning Fest, Pinasinayaan sa Greenhills akiisa ang mga guro ng La Salle University - Night High School sa pagsulong ng ikalimang Night High Schools Learning Festival noong ika-2 ng Oktobre 2017 na ipinagdiwang sa La Salle Greenhills, Mandaluyong City kalakip ang temang “PEARL III: Prepared, Engaged and Actively- Reconnected Lasallians”. Nagsimula ang selebrasyon limang taon na ang nakalipas bilang pagbibigay-pugay sa sakripisyo at matibay na tagataguyod sa pagproprodyus ng mahuhusay na mamayan ng kinabukasan. Dinalohan ito ng iba’t ibang Lasallian schools nanamamahala ng mga Night High School. Pinangunahan naman ang delegado ng LSU-NHS ng kanilang punong-guro na si Gng. Maria Cristina Llauder kasama ang kanyang tatlong natatanging mga guro sa katauhan nina Bb. Christime Mansanadez, G. Risty Manos at G. Kent Mikkel Villagonzalo. Binuksan ang programa ng mabubulaklak na salita mula sa pangulo ng LSGH nasi Br. Victor A. Franco FSC na pinuri ang mga guro at ikinumpara pa sa mga anghel na palaging nagbabantay at nagmamahal sa mga mag-aaral para sa kanilang ikabubuti. Sinundan ang wika ni Br. Franco ng pagbibigay ng nag-aalab na impormasyon ni Dr. Angelika Jabines na pinuno ng Bureau of Learning Delivery ng Kagawaran ng Edukasyon Mula sa seryosong programa, nagbago ang ihip ng hangin sa hapon at nagkatuwaan ang mga guro ng iba’t ibang mga delegado dahil sa mga laro at teambuilding activities na inihanda ng mga tagapamahala. Maliban pa diyan, nagpatagisan ng talino ang mga guro dahil din sa mga katanungang ibinabato ng mga tagapamahala bilang bahagi pa rin ng programa. Ipagpapatuloy sa pahina 2 Balita PAGPUPURGA SA LSU-NHS, INILUNSAD ni Rodlyn S. Cuadra Editoryal MALUPIT NA BANGUNGOT ni Florabel Banal Lathalain GALA – CLICK - ALAALA ni Donabel Macasandag Opinyon HAMON NG PAGSISIMULA ni Donabel Macasandag Isports LSU-NHS CHESS PLAYERS, HUMATAW SA PAGSASANAY ni Richelle Mae Binarao Agham at Teknolohiya TREE PLANTING SA MUNDONG MILLENIALS ni Emily Blando Colanggo, Aarangkada sa Regional Meet ni Rodlyn S. Cuadra ni Rodlyn S. Cuadra Magpapakitang gilas sa Regional Meet si Joannah Grace Colanggo ng La Salle University- Night High School matapos hirangin bilang ikalawang pinakamahusay na manlalaro sa table tennis sa ginanap na Division Meet sa Ozamiz City School of Arts and Trades mula ika-7 hanggang 9 ng Setyembre 2017. Dumaan sa butas ng karayom bago makamit ang tagumpay. Hindi maikakaila ni Colanggo na sasabak siya sa sagupaan ng pinakamahuhusay na manlalaro ng Ozamz City kaya naman lubos na pag-eensayo ang kanyang ginawa bilang paghahanda. Ibinuhos niya ang dugo at pawis kaakibat ang talino at tikas ng galaw upang masukat ang galaw ng kalaban. Nag-uumapaw ang lakas ng loob ni Colanggo habang araw-araw siyang sumasabak sa pagsasanay. Mula umaga, tanghali at gabi, hindi Ipagpapatuloy sa pahina 2. LSU-NHS, Nakihirit sa Earthbeat ni Alexa Cassandra Pacto Isang taunang selebrasyon ng National Science Club Month (NSCM) ang paglulunsad nito sa buwan ng Setyembre. Ang tema sa pagdiriwang ay “EarthBeat: Excavating the Abyss, Pulsing the Current, Steering the Youth as Stewards of Sustainable Development.” Alinsunod sa temang ito, inilunsad ng LSU-NHS ang iba’t ibang programa noong Setyembre 29, 2017 sa Heritage Covered Court. Ipagpapatuloy sa pahina 3. VOLUME 1 TATAK LASALYANO. Mga larawang kinuha sa panapos na programa. (Mga kuha ni G. Risty Manos, guro ng NHS.)