1 MODYUL 1: ANG PAGSULAT NG INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK Ang pananaliksik ayon kay Kothari (2004), ay isang siyentipikong pag-iimbestiga at sistemakong pagtuklas ng mga impormasyon ukol sa tiyak na paksa. Ang tiyak na suliraning ito ang susubuking hanapan ng kasagutan sa masistema, mabusisi at maayos na pamamaraan. Ang mga walang hanggang katanungan na bumabagabag sa isipan ng tao ang nag-uudyok dito upang patuloy na mag-imbestiga ng mga umiiral na problema. Sistematiko ang pananaliksik sa kadahilanang may isang tiyak na hanay ng mga hakbangin ang kailangang isagawa. May ilang mga bagay sa proseso ng pananaliksik na kailangang lagi mong sundin upang matamo ang higit na angkop na resulta. Layunin ng Modyul 1 na makabuo ng panimula sa pananaliksik na nagtataglay ng mga kahingian sa kabanata. Sundin lamang ang mga baha-bahaging impormasyong nakatala at gawain upang maging gamay sa nilalaman ng panimula. Subuking sagutin ang panimulang pagtataya upang matasa ang kabuuang kaalaman sa pagsulat ng panimula o introduksyon. Panimulang Pagtataya Panuto: Isulat ang Tama sa patlang bago ang bilang kung wasto ang pahayag at Mali naman kung may pagkukulang o salitang nagpapamali sa pahayag. _________1. Matatagpuan sa panimula ang pinakalayunin at tiyak na layunin ng pag- aaral. _________2. Isinusulat ang bahaging panimula sa estrukturang piramide, mula sa maliit na konsepto patungo sa masaklaw na ideya. INTRODUKSYON