ACTIVITY 1 The Philippines: A Past Revisited by Renato Constantino BAUTISTA, Shaine F. Readings in Philippine History BS CpE 2-1 Hindi pa man dumadating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay may sarili ng sibilisasyon and mga Pilipino. Masasabing ang sibilisasyong ito ay bahagyang nagsimula sa mga naninirahang Malay sa bansa gayundin ang kanilang pagtugon sa bagong kapaligirang kanilang tinitirhan. Ngunit sa libro ni Renato Constantino na The Philippines: The Past Revisited dito kaniyang inilahad ang tunay na kasaysayan na mayroon ang Pilipinas, na ang kasaysayan ay hindi lang nakatuon sa indibidwal na bayani kundi maging sa mga Pilipino. Ito ay hindi lamang tungkol sa kung ano ang pagkakasunud-sunod na pangyayari sa isang bansa; hindi ito kwento ng mga bayani o dakilang tao, ito ay kasaysayang binuo mula sa pagsisikap ng mga tao para mahangad ang isang mas maayos at mahusay sa pamumuhay. Ang kasaysayan ay naitatala dahil na rin sa paghihirap na kinaharap ng mga tao para sa pagkamit ng walang hanggang kalayaan. Ngunit gayon pa man ito ay hindi naitatala o naisasama sa tuwing sinusulat ang kasaysayan na meron ang bansa dahil sa kawalan ng sapat na kaalaman. Ayon na din sa libro ni Renato Constantino ang mayamang tradisyong ito ng paghihirap ay isa sa naging kasaysayan ng Pilipinas. Dito nasabi niya na ang mamamayang Pilipino sa kasamaang-palad ay nakaranas ng apat na beses ng pagkamit ng kalayaan. Una ay mga Espanyol na nagpalaya mula sa pagkaka-alipin, sumunod ay mga Amerikano na nagpalaya mula sa pang-aapi ng mga Espanyol, pagkatapos ay mga Hapones na nagpalaya mula sa imperyalismong pamumuno ng mga Amerikano, at muling pagpapalaya ng mga Amerikano mula sa mga pasistang Hapones. Pagkatapos ng mga ito, dito napagtanto na ang bansa ay nasakop ng mga banyagang gustong makinabang sa yaman na mayroon ito. Ang paglaban ng mga Pilipino mula sa pang-aapi ng mga koloniyalistang bansa ay masasabing isa sa pinagmulan ng kasaysayang Pilipinas.