Monumentong Pinapahalagahan: Hanggang Saan Aabutin ang Bantayog ni Jose Rizal? Ni Samantha Karen D. Morano Sino si Dr. Jose Rizal? Kilala natin si Jose Rizal bilang isang pambansang bayani ng Pilipinas. Kung babalikan natin ang kasaysayan, naglakbay si Dr. Rizal sa iba’t ibang panig ng mundo at nakilala rin siya hindi lamang sa lahat ng sulok ng Pilipinas kundi sa labas ng bansa. Isa sa kilalang lugar na kumikilala kay Rizal ay ang Lungsod ng San Juan kung saan matatagpuan ang Pinaglabanan Memorial Shrine (Pang-alaalang Dambana ng Pinaglabanan) na sinasabing ginawa para sa paggunita ng nangyaring labanan noong 1896 sa lugar ng San Juan Del Monte. Simboliko ang lugar na ito dahil dito unang ipinamalas ng mga Katipunero ang kanilang kabayanihan para sa ating Kalayaan. Isa ito sa ipinagmamalaki ng kasaysayan ng Lungsod San Juan.