KABANATA 2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL (Paalala: Maglagay ng hindi bababa sa 10 pangunahing batis ng impormasyon (Primary source) at di bababa sa 10 pangalawang batis (secondary souce). -Panuurin ang video clip na ito para sa mas malinaw na pagkaunawa ng pagkakaiba ng 2 batis ng impormasyon. *https://www.youtube.com/watch?v=ll0Q4mbmTwQ Kaugnay na Literatura Kaugnay na Pag-aaral Ang kaugnay na literatura ay binubuo ng mga diskusyon ng mga impormasyon, prinsipyo at katotohanan na kaugnay sa pag-aaral na isinasagawa. MGA MATERYAL NA NASA KLASIPIKASYON NG KAUGNAY NA LITERATURA: -Lokal na datos at Dayuhang datos -Libro, ensaykopedya, almanak, at mga aklat na may katulad na reperensya -artikulo sa mga propesyunal na dyornal, magasin, peryodiko at iba pa -batas o institusyon ng bansa na may kaugnayan sa pananaliksik -rekord ng paaralan o partikular na datos -papeles ng mga pang-edukasyong seminar -lahat ng uri ng opisyal na report ng pamahalaan MGA PAMANTAYAN SA PAGHAHANAP NG KAUGNAY NA LITERATURA -pagtukoy ng mananaliksik sa may akda o taong pinagmulan ng datos -ihiwalay ang dayuhang literatura o datos sa lokal -siguraduhing makabago ang mga datos na gagamitin sa pananaliksik -dapat ay may kaugnayan ang gagamiting literatura o datos na kukunin sa isinasagawang pananaliksik o pagaaral -magkaroon ng sapat na bilang ng mga sanggunian na makakatugon sa paksa Ang kaugnay na pag-aaral ay isang pag-aaral. pag-iimbestiga o imebstigasyon na isinasagawa na at may kaugnayan o pagkatulad sa paksa ng pananaliksik na isinasagawa. MGA MATERYAL NA NASA KLASIPIKASYON NG KAUGNAY NA PAG-AARAL: -Lokal na datos at Dayuhang datos -mga theses at disertasyon -kopya ng pananaliksik mula sa mga pag-edukasyong dyornal