Polytechnic University of the Philippines College of Political Science and Public Administration Zyra D. Manaytay January 23, 2022 BPA 1-1 RIPH Upuan Base sa aking napakinggang kantang Upuanni Gloc 9 ay pinaparating nya sa kanyang kanta ang mga hinaing ng mga mahihirap pagdating sa kanilang nararanasang kahirapan na hanggang ngayon ay hindi pa rin masolusyunan ng gobyerno. Sa pagkakaintindi ko sa kantang ito ay para ito sa gobyerno, dahil ang gobyerno natin ay may katangiang nagbubulag-bulagan at kadalasan ang mga gustong maging parte ng politika ay pare-parehas lamang ng layunin, ito ay ang posisyon lamang hindi ang layuning tulungan at paangatin ang kanilang bayan. Ipinapakita rin dito sa kanta na alila lang ng mayayaman ang mahihirap, sunod- sunuran kung saan ang mga nakaupo sa mataas na posisyon ay mga nakaupo lang at nagpapalaki ng katawan. Naiinom at nakakain nila ang mga gusto nila na kung saan kabaliktaran naman sa mga mahihirap, na kailangan pang paghirapan ng maraming beses at bilang na bilang sa kanilang mga daliri ang mga araw na makakain sila ng masasarap. Kahit naman sa iba naming nabasa sa ibat-ibang asignatura ang mga mahihirap talaga ay kung ituring ay parang mga walang karapatang magkaroon ng trabaho, makahawak ng malaking salapi at kadalasan pa nga pahirapan pang makahanap ng trabaho ang mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Kung kayat andami paring naghihirap sa bansa dahil sa taong nakaupo lang. Ang tinutukoy rito na taong nakaupoay iyon ang nakaupo sa mataas na posisyon sya ang makapangyarihan o may kakayahan na kontrolin ang lahat. Nasa kanya kung matatauhan ba sya para paunlarin at magbigay ng tulong o ipagpapatuloy nya ang pagbubulag-bulagan at bingi-bingihan pagdating sa daing ng kanyang mamamayan. Sya ang halimbawa ng isang presidenteng nakaupo lamang at walang ibang layunin kundi ang kuhain ang pera na para sana sa bayan, korupsyon ang kanyang layunin. Kung kayat sinasabi sa kanta na ang matamaay wag magalittama, kung matamaan man sila ay kanila na itong problema at kung paano nila ito dadalhin sa kanilang pang araw-