Uriel C. dela Cruz BSIT 4-1 “Isang Natatanging Korona” Si Rizal ay nagbigay ng kaniyang mensahe sa isang salo-salo sa Madrid, Espanya noong ika-dalawampu’t lima ng Hunyo 1884. Pagbibigay pugay at pasasalamat kina Hidalgo at Luna sa kanilang mga obra ang naging laman ng talumpati ni Rizal. Ayon sa salaysay ni Rizal, lubos siyang nagpapasalamat sa dalawang taong ito dahil pinakita nila ang nangyayari sa Pilipinas na naipit sa pang-aapi ng Espanyol at ang paglaban ng mga Pilipino sa kanilang karapatan sa kanilang Lupang Sinilangan. Ipinaliwanag ni Rizal na ang gawa ni Hidalgo ay tahimik at puro sa mata ng isang nakakalantaw sa kanyang obra. Ipinapakita ng mga pinta na ipinagmamalaki nito ang ganda ng Pilipinas na meron siya; ang mga matataas na bundok, ang mga magagandang tanawin ng mga tubig, at iba pa na maaaring makita mo sa mga obra maestra ni Hidalgo. Sa ibang pananaw naman, si Rizal ay lubos ding humahanga sa obrang gawa ni Luna. Ang mga pintang gawa din ni Luna ay nagpapakita naman ng kasamaang palad na nangyayari sa Pilipinas sa ilalim ng pananakop ng Espanya. Ipinapakita niya ang masalimuot na kinahinatnan ng mga Pilipino sa kanyang sariling bayan sa kamay ng mga banyagang mananakop na walang ibang hangad kundi alipinin at angkinin ang mga yaman. Binibigyang pasasalamat din ni Rizal ang mga Pilipinong ipinaglaban ang kanilang karapatan at mga nagsimatay sa laban ng pagbawi ng sa anong kanya ay atin. Binibigyang diin ni Rizal na ang Pilipinas ay atin, at ito ay atin lamang. Ika nga sa kanyang pahayag- “To you is due the beauty of the diamonds that the Philippines wears in her crown. She produced the precious stones, and Europe gave them polish. [....] We are the flame, the breathe, the material