1 #ModFil Paunang Pagtataya Bago mo simulan na pag-aralan ang Modyul sa Filipino o ModFil, sagutin mo muna ang katanungan upang malaman mo kung anon a ang alam mo sa mga paksang tatalakayin dito. 1. Nagsalin (ng, nang) tubig si Kurl sa banga. 2. Naghimagsik ang mga Pilipino (ng, nang) patayin ang tatlong paring martir. 3. Pupunta sana ang nanay sa palengke (kung di, kundi) umulan. 4. Walang maaring pumasok sa sayawan (kung di, kundi) yaong may mga tiket lamang. 5. Pumunta ka (dito, rito). 6. Pupunta rin (dito, rito) ang mga artista. 7. Nag-aaway (daw, raw) ang mga bata. 8. Sa ilog (daw, raw) maliligo ang mga binate. 9. Taga-Mindoro (din, rin) si Ida. 10. Yayaman (din, rin) tayo balang araw. 11. (Doon, Roon) na tayo mananghalian sa bahay. 12. Patungo (doon, roon) ang mga kandidato. 13. Pakidala ang pagkaing ito (kina, kila) Nelia at Pat 14. (Bitiwan, Bitawan) mo ang iyong hawak na armas at ikaw ay sumuko. 15. Nagtungo sa gubat si Mang Andres dahil naroon ang (bitiwan, bitawan) ng manok. Panuto: Basahin at unawain ang tanong sa bawat aytem. Salungguhitan ang wastong sagot sa bawat pangungusap.