Dokumentasyon ng Pananaliksik Talababa o Footnote Ang talababa o Footnote ay isang uri ng tekstong inilalagay sa ibabang bahagi ng isang pahina ng aklat o dokumento. Ang talang nakapaloob sa talababa ay maaring naglalaman ng mga pananaw o komento ng may-akda sa pangunahing nilalaman ng teksto. Maaaring ito rin ay pagkilala sa mga gawang-batayan na kaugnay sa tekstong tinalakay. Karaniwang tinitikan ng bilang ang talababa upang agarang matukoy ng mga mambabasa. Akademikong Gamit ng Talababa Ang talababa ay kadalasang ginagamit bilang panghalili sa higit na mahabang pagpapaliwanag na maaaring makaapekto sa pag-unawa ng mambabasa. Karaniwang nilalaman ng mga tuntunin ng estilong panliteratura kabilang ang Modern Language Association at ang American Psychological Association na limitahan ang paggamit ng mga talababa at huling tala. Gayunman, ang mga tagapaglathala ay iminumungkahi ang paggamit ng mga batayang-tala (note references) sa halip na mga batayang-parenetikal (parenthetical references). Maliban sa ginagamit ang talababa bilang elementong bibliyograpiko, ginagamit din ito bilang karagdagang impormasyon o talang paliwanag upang hindi lumihis sa paksain. Paraan ng Pagsulat ng Talababa (Footnote) at Hulibaba (Endnote) Ginagamit ang talababa at hulibaba upang bigyang-pagkilala at/o kredito ang mga pangunahing hanguan ng mga materyal na ginamit, binuod o binigyang-kahulugan sa ibang pangungusap na bahagi ng teksto. Ang talababa ay inilalagay sa ibabang bahagi ng pahina kung saan nagkaroon ng direktang pagsipi. Tanging ang tinukoy lamang na pahayag sa pahina ang binibigyang-paliwanag ng talababa. Ang hulibaba naman ay inilalagay sa huling bahagi ng sanaysay o sulatin sa hiwalay na pahina. Nilalaman ng pahina ang lahat ng tala o pagpapaliwanag na tinukoy sa buong sanaysay o sulatin ayon sa pagkakasunud-sunod na itinakda ng mga bilang. Sa paghahanda ng talababa, ang simbulong bilang na nasa kaliwa ng linya ay nasa anyong superscript. Mula rito ay may limang espasyong pagitan bago ang unang linya ng talababa, o kaya ay maaari ring gumamit ng tab. Ipinapantay sa tala ng unang linya ang mga kasunond pang mga linya na bahagi ng tala. This study source was downloaded by 100000844371194 from CourseHero.com on 04-04-2022 19:34:43 GMT -05:00 https://www.coursehero.com/file/77914906/Dokumentasyon-ng-pananaliksik-1pdf/