Gawaing pansibiko (Civic Engagement) Ang salitang sibiko ay mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay mamamayan. -Noong unang panahon sa lipunang Pranses, tinatawag na civique ang isang mamamayang nakapagbuwis ng buhay para sa kaniyang kapuwa. -Naipagpapalit ito sa salitang civil o ‘sibilyan’ na isang indibidwal na wala sa serbisyo ng pamahalaan o hindi nanunungkulan bilang sundalo subalit nakatutulong nang malaki sa kaniyang bayan. -Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang sibiko upang pormal na tukuyin ang mga mamamayang bumubuo ng lipunan. Kadalasan nang ikinakabit sa salitang ito ang mga katagang “kagalingan” o welfare. Tinutukoy ng civic welfare o kagalingang pansibiko ang pinakamataas na kabutihang makakamit at mararanasan ng mga mamamayan. Ang kabu- tihang ito ay natatamasa sapagkat nanggagaling sa kagyat na pagtugon at pagmamalasakit ng kapuwa mamamayan. Sa pagganap ng mga tungkulin sa lipunan, ang mga mamamayang may kamalayang pansibiko ay higit na nakatutuwang sa pamahalaan. Ang kamalayang pansibiko ay kaisipan na ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang kapuwa. Ito ay pagkilala na ang indibidwal ay may kakayahang paunlarin ang lipunan sa anumang paraang kaya niyang tugunan at gampanan. Ang pagkukusang- loob, pagtulong nang walang inaasahang kapalit, at bayanihan ay mga susing katangiang dapat taglayin sa gawaing pansibiko. Maaari ding tingnan ang gawaing pansibiko bilang malawakang pagsasama-sama ng mga tao upang tiyaking nasa pinakamahusay silang pamumuhay lalo na ang pinakamahihirap. Karaniwang sinasakop ng kagalingang pansibiko ang mga usapin hinggil sa edukasyon, kalikasan, kabuhayan, pampublikong serbisyo, at kalusugan. Mula sa maliliit na bagay tulad ng pagtulong sa isang matanda sa pagtawid sa kalye hanggang sa malalaking bagay tulad ng pagpaplano para sa pagtatayo ng kabuhayan sa isang komunidad ay maituturing na kagalingang panlipunan na nag-uugat sa gawaing pansibiko. Di matatawaran ang kahalagahan ng gawaing pansibiko sa isang bansa. Ito ay isang paraan ng pagtiyak na ang mga mamamayan sa isang lipunan ay tunay na malaya, nagsasarili, at kontento sa kanilang pamunuan. Malaya nilang naipapahayag ang sarili at nagagawa ang gusto nang di lumalabis sa itinakda ng batas. Nagsasarili sila at kayang sustentuhan ang sarili at pamilya. Kontento sila sa pamamalakad ng pamahalaan at sinusuportahan nila ito Ipinakikita ng gawaing pansibiko ang pinakamataas na lebel ng pakikipagkapuwa. Dahil dito, kakikitaan ang mga tao ng pagmamalasakit sa isa’t isa. Nagkukusang- loob silang mapagling- kuran lalo na ang mahi- hirap at nakabababa. Kumikilos sila at tumutugon sa pangangailangan ng iba kahit hindi pagsabihan o walang kumpas ng pamahalaan. May sarili silang motibo at ito ay ang masidhing pagnanasang makapaglingkod sa kapuwa kahit walang posisyon at kabayaran. Mahalaga ang kagalingang pansibiko Dahil tinitiyak nitong ang bawat mamamayan ay nabubuhay nang matiwasay at payapa. Higit na mapadadali ang serbisyo publiko kung ang bawat isa ay handa sa paglilingkod at pagtulong. Mas malawak ang maaabot ng mga ahensiyang pampamahalaan kung magsasama- sama ang mga 22. Ang kagalingang pansibiko ay isang sitwasyon kung saan taglay ng mga mamamayan ang kamalayan na may pananagutan sila sa kanilang kapuwa. Ang