Name: Carlos Miguel N. Pareja Course & Section: BIT32 Subject: Ang Buhay at mga Akda ni Rizal Professor/Instructor: Ginoong Jumel G. Estrañero University: De La Salle University – Dasmariñas “BAKIT SI RIZAL ANG MAS KINIKILALA BILANG ISANG BAYANI IMBES NA SI BONIFACIO” I. INTRODUKSYON "Bayani" ang mga pangkaraniwang tao na gumagawa ng isang bagay na taliwas sa inaasahan ng marami na gagawin niya. Bakit nga ba naging bayani si Dr. Jose Rizal imbes na si Andres Bonifacio? Paano ka maituturing na isang bayani? Ayon kay Dr. Zeus Salazar, isang historyador at pangunahing tagapagpalaganap ng Pantayong Pananaw sa bansa, ang “bayani” bilang “isang nagkukusang makipagtulungan nang walang anumang bayad sa mga gawaing pangkomunidad.” Kaugnay ng pagpapakahulugang ito ang salitang Bisayang “bagani”, na nangangahulugang “mandirigma”, at “wani” o malasakit at pagtulong. II. KATAWAN