Almusal Isang dula ang almusal. Ako ang tauhan at ang nanay. Ibibigay ng manunulat ang lahat ng linya kay nanay samantalang iniibig ko ang pagkaitan ako ng sagot. Isang magaspang na mesa at bangko ang props at ilang hand props ang ipapatong sa mesa tulad ng plato, kutsara, tinidor,sinangag, tuyo o kung may salapi ang producer papalaring mangitlog ang manok o may pinalangoy na karne sa salitre o nilasing na tapa sa pampapait na usok. Korteng tatsulok ang blocking ni nanay samantalang ako ay inapo ni Buddha sa bangko-- tanging paa, kamay at bibig lamang ang gumagalaw. Walang mamahaling ilaw na may dimmer switch. Pakikirutin lamang ng usok ang matamula sa sinisigbong apoy at ilang hilera ng pahilig na sinagang tatagos mula sa bubong na pawid na binutas-tudla ng tag-ulan. Sa pagkaubos ng linya ni Nanay, naghihingalo na ang pagkain sa pinggan ko. Ang huling eksena,isa- isa kong sisikwatin ng toothpick ang mga tingang sagabal sa pagngangalit ng bagang.Si nanay, may planong mag- adlib 1 | BUBOY AGUAY