SUGBUANUNG PINULUNGAN: DISKORSAL NA ANALISIS Catalina M. Canasa Cebu Normal University OsmeƱa Boulevard, Cebu City canasac@cnu.edu.ph Abstrak: Ang Sinugbuanung pinulungan ang isa sa itinuturing na nangunguna sa may pinakamaraming taong nagsasalita sa bansang Pilipinas. Ito ang wikang naging kontrobersyal sapagkat ipinaglaban ito noon upang gawing isang wikang pambansa dahil sa lawak ng saklaw nito. Dahil dito naging interesado ang mananaliksik na pag-aralan ang mga salik na nakaapekto sa paraan ng pagbigkas ng mga Sebuano sa wikang Filipino. Layunin ng pag-aaral na ito na sagutin ang katanungang bakit matigas magsalita ng Filipino ang mga Sebuano. Sinuri ng mananaliksik ang mga salik na maaaring nakaapekto sa paraan ng pagbigkas ng mga Sebuano. Ang pag-aaral ay ginamitan ng kwalitatib-deskriptib na pamamaraan ng pananaliksik na may desinyo na grounded theory, nilimi ang mga salik na nakaapekto sa pamamaraan ng pagsasalita ng mga Sebuano sa pamamagitan ng pakikipanayam, diskorsal na talakayan at mga nakalap na mga datos. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral tiniyak ang sumusunod na mga salik na nakaapekto sa paraan ng pagbigkas ng mga Sebuano: heograpikal na lokasyon, eksposyur, sosyo-kultural, at sosyo-ekonomik, at kawalan ng interes. Dahil sa pag-aaral na ito, lumabas na ang kawalan ng interes sa pagkatuto ng wikang Filipino ang nangingibabaw, natuklasan rin sa pag-aaral na ang Sebuano ay mayroon lamang tatlong patinig. Batay sa kinalabasan, inirerekomenda ang ekposyur sa wika bilang isang paraan para makatulong na maging bihasa ang isang tao na mapaunlad ang kanyang kakayahang mabigkas ng tama ang wikang Filipino. Keywords: Sugbuanung pinulungan, heograpikal na lokasyon, eksposyur, sosyo- kultural, sosyo-ekonomik, interes.