International Journal of Research Studies in Education
2022 Volume 11 Number 3, 157-188
© The Author(s) / Attribution-NonCommercial-NoDerivs CC BY-NC-ND
Motibasyong pangwika ng mga mag-aaral: Isang istruktural
na panatayang dulog
Dipolog, Susan
University of Mindanao, Philippines (dipologsusan@yahoo.com)
Limpot, Marilou
University of Mindanao, Philippines (uoliramtopmil@gmail.com)
Received: 13 January 2022 Revised: 20 January 2022 Accepted: 23 January 2022
Available Online: 23 January 2022 DOI: 10.5861/ijrse.2022.113
ISSN: 2243-7703
Online ISSN: 2243-7711
OPEN ACCESS
Abstract
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang pinakaangkop na modelo ng
motibasyong pangwika. Nilalayon din ng pag-aaral na tiyakin ang makabuluhang ugnayan sa
pagitan ng exogenous na mga baryabol: pangangasiwang pangklasrum, pakikilahok ng mga
mag-aaral, gawing pagkatutong pangwika at ang endogenous na baryabol na motibasyong
pangwika ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng non-experimental at
korelasyonal na disenyo ng pananaliksik at Modelong Panatayang Istruktural upang malaman
ang pinakaangkop na modelo ng Motibasyong Pangwika. Ginamit ang sample random
sampling sa pagtukoy ng 400 na mga kolehiyong mag-aaral bilang respondent ng pag-aaral.
Gina din sa pag-aaral na ito ang downloaded na mga talatanungan mula sa web sources na
minodipika para sa pangangailangan ng pag-aaral. Pinakita sa resulta na ang exogenous na
mga baryabol: pangangasiwang pangklasrum, pakikilahok ng mga mag-aaral, at ang gawing
pagkatutong pangwika ay may makabuluhang ugnayan sa endogenous na motibasyong
pangwika. Ang pangangasiwang pangklasrum na kinatawanan ng pangangasiwa sa pag-uugali
sa klasrum, tiyak na pamamaraan sa pagtuturo, pakikiisa sa mga magulang at pagpaplano at
suporta; pakikililahok ng mga mag-aaral na kinatawanan ng kagustuhan sa pagkatuto,
kagustuhan sa pag-aaral, pagsisikap at pagtitiyaga, estrakurikular na gawain at pangkabatirang
pakikilahok; at ang gawing pagkatutong pangwika na kinatawanan ng pansariling imahe,
pagpipigil, pakikipagsapalaran, pag-unawa sa sariling opinyon, motibasyon at kalabuan ay
lubos na nakaimpluwensiya sa motibasyong pangwika na kinatawanan ng pandamdamin,
pag-aangkop sa layunin at pag-asam.
Keywords: edukasyon, pangangasiwang pangklasrum, pakikilahok ng mga mag-aaral, gawing
pagkatutong pangwika, motibasyong pangwika, modelong panatayang estruktural, Pilipinas