International Journal of Research Studies in Education
2022 Volume 11 Number 7, 73-123
© The Author(s) / Attribution-NonCommercial-NoDerivs CC BY-NC-ND
Kasanayang pangkomunikatibo: Isang estrukural na
panatayang pagdulog
Dipolog, Susan B.
University of Mindanao, Philippines (dipologsusan@yahoo.com)
Edillon, Anna Lou G.
Carmen National High School, Philippines
Received: 22 April 2022 Revised: 28 April 2022 Accepted: 3 May 2022
Available Online: 3 May 2022 DOI: 10.5861/ijrse.2022.315
ISSN: 2243-7703
Online ISSN: 2243-7711
OPEN ACCESS
Abstract
Layunin ng pag-aaral na ito na mabatid ang modelong higit na naaangkop sa kasanayang
pangkomunikatibo pati na rin ang mga nabuong pagkakaugnay-ugnay ng kaligirang sosyal na
pagkatuto, motibasyon, saloobin ng mga mag-aaral at kasanayang pangkomunikatibo.
Disenyong deskriptiv-kwalitatib at estruktural na modelong panataya ang ginamit sa
pananaliksik. Nagmula ang mga datos sa 400 na mga mag-aaral ng Senior High School bilang
responden te mula sa apat na Sangay sa lalawigan ng Davao del Norte gamit ang ran- dom
sampling technique. Ginamitan ito ng apat na istandardisadong talata- nungan na nagsilbing
instrumento ng pananaliksik. Sa pagsusuring estadis- tikal, ginamit ang mean, pearson-r,
multiple regression at structural equation model upang matamo ang layunin. Natuklasan sa
pag-aaral na nagkaroon ng makabuluhang ugnayan at makabuluhang impluwensya ang
kaligirang sosyal na pangklasrum, motibasyon at saloobin ng mga mag-aaral sa kasanayang
pangkomunikatibo. Dagdag pa, ang kaligirang sosyal na pangklasrum ang natatanging latent
baryabol na may direktang epekto sa kasanayang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral. Sa
pagtukoy naman sa best fit model, lumabas sa resulta na may malakas na impluwensya ang
mga indikeytor ng kaligirang sosyal na pangklasrum bilang prediktor sa kasanayang
pangkomunikatibo ng mga mag-aaral na makikita sa ikalimang modelo na naging
pinakaangkop na modelo sa pananaliksik.
Keywords: education, motivation, classroom social environment, communicative skills,
structured equation modelling, Philippines