Kawíng 6.1 (Hulyo 2022): 1-26 [ISSN 2546-1079 (Online)*ISSN 2546-1060 (Print)] 1 Gandang Pangkalawakan: Pagsisiyasat sa Mga Karanasan ng Mga Kontesera sa Kalakhang Maynila (Gandang Pangkalawakan: Examining the Experiences of Konteseras/Gay Pageant Contestants in Metro Manila) Luna C. Salanio University of the Philippines Diliman lunasalanio@gmail.com ABSTRAK Sa pamamagitan ng mga lapit ng interseksyonalidad at pagsasakapangyarihan, tinatalakay at binibigyang-kahulugan ng papel ang mga karanasan ng mga kontesera mula sa Kalakhang Maynila kaugnay sa kanilang paglahok sa Ms. Gay Pangkalawakan – isang pambihirang timpalak para sa mga bakla, bisekswal, queer, at trans na indibidwal. Sa partikular, tinututukan nito ang epekto ng timpalak sa iba’t ibang aspekto ng kanilang buhay. Gumagamit ang papel ng mga kasong pag-aaral para mailahad ang mga pananaw, saloobin, karanasan, at kalagayan ng tatlong kontesera. Mula sa kanilang mga salaysay, tampok ang mga interseksyon ng kasarian, uri, at pisikal na kaanyuan sa proseso ng pagsasakapangyarihan (o kabaligtaran) sa harap at likod ng entablado. Sa huli, iginigiit ng papel na bagama’t may mga positibong epekto ang Ms. Gay Pangkalawakan na kinikilala ng mga kalahok na kontesera, hindi pa rin maipapalagay na ito ay ganap na nakapangyayari. Mga Susing Salita: Ms. Gay Pangkalawakan, kontesera, interseksyonalidad, pagsasakapangyarihan, LGBTQIA++ ~~~ ABSTRACT Using the approaches of intersectionality and empowerment, the paper discusses and interprets the experiences of konteseras/gay pageant contestants from Metro Manila in relation to their participation in Ms. Gay Pangkalakawakan – a unique contest for gay, bisexual, queer, and trans individuals. In particular, it focuses on the impact of the contest on the various aspects of their lives. The paper uses case studies to present the views, feelings, experiences, and situations of three konteseras. From their narratives, the intersections of gender, class, and physical appearance were highlighted in the process of (dis)empowerment on and off stage. In the end, the paper asserts that although Ms.