Adriel Roi E. Borican Readings in Philippine History Bachelor of Science in Mechanical Engineering 18/01/2023 “Bayan o Sarili?” A consolidated film review by Adriel Roi E. Borican Ilan lang ang mga pelikulang pinamagatang “Heneral Luna” at “Sakay” sa mga naging patok sa panlasa ng mga Pinoy. Naglalaman ito ng mga kaalaman tungkol sa ating kasaysayan. Naglalaman rin ito ng mga pangayayari na nag mula sa mga nababasa at natutunan sa kasaysayan. Itinatampok sa mga pelikulang ito ang dalawa sa mga magigiting na bayani ng Pilipinas na nag buwis ng kanilang buhay para sa ating bansa. Nakasaad rin dito ang mga nagawang hakbang upang pabagsakin o palayasin ang bansang Amerika. “HENERAL LUNA” Isa ang Heneral Luna sa mga pelikulang ginawa ni Jerrold Tarog na nagpapakita sa mga pangyayari ng ating kasaysayan. Nakapokus ang pelikulang ito sa naging buhay ng magiting na heneral at bayani ng Pilipinas na si Heneral Luna. Ipinapakita rin dito ang buhay ng mga Pilipino sa kamay ng mga Amerikano na noo’y kakasakop pa lamang sa Pilipinas. Naglalaman rin ito ng mga importanteng pangyayari na naganap noong unang panahon. Isa ang pelikulang “Heneral Luna” sa naging matagumpay na pelikulang Pilipino noong 2015. Sa pangunguna ng batikan na direktor na si Jerrold Tarog naging maganda ang daloy ng kwento. Naging malinaw rin para sa mga manonood ang mga aral na makukuha sa pelikula. Nakakamangha ang naging preparasyon ng grupo sa mga kasuutan at mga props na ginamit sa pelikula. Bilib rin ako sa husay ng mga editor dahil naging mas makatotohanan ang mga pangyayari sa pelikula. Kahanga-hanga rin ang pag-arte ng mga batikang artista katulad nila Leo Martinez bilang Pedro Paterno, Mon Confiado bilang Emilio Aguinaldo, Nonie Buencamino bilang Felipe Buencamino, at marami pang iba. Isa si ginoong John Arcilla ang gumanap bilang