Pangalan: Keith Ashley C. Sabal Kurso at Seksyon: Medical Biology 1-6 Asignatura: Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas (G-SOSC001) Propesor: Mr. Jumel Estrañero Pamantasan: De La Salle University-Dasmariñas KRISTIYANISASYON NI FERDINAND DE MAGALLANES: Naging Makabuluhan Nga Ba o Hindi I. INTRODUKSYON Sa ekspedisyong pandaigdigan ng Espanya na pinamunuan ni Ferdinand Magellan, isang manlalayag na Portuges na nanguna sa historikal na ekspedisyon, Kristiyanismo ang isa sa naging layon ng grupo na ipalaganap. Sa pagdaong ng barko nina Magellan sa isla ng Homonhon noong ika-16 ng Marso taong 1620, kanilang napagtanto ang kakaibang ganda ng Pilipinas at marikit na kalikasan nito. Subalit, nang kanilang matuklasan na ang mga sinaunang Pilipino ay sumasamba sa kalikasan bilang Paganismo, kanilang pinagtuunang ipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo. Naniwala ang mga Espanyol na sa paraang ito ay maililigtas ang kaluluwa ng mga katutubo mula sa kanilang immoralidad. Ang gawaing ito ay tinawag na Kristiyanisasyon. Sa ilalim ng Kristiyanisasyon, ang mga kastila ay nakipagkasundo sa mga datu ng bawat kapuluan upang mahikayat silang sumamba kay Hesu Kristo at mabinyagan bilang mga Kristiyano. Sa bawat pulong makikipagkasundo, ang mga kastila ay magsisimula ng misa at maglalatag ng krus, tandang nagsasaad na ang mga katutubo sa partikular na pulo ay naniniwala na sa iisang Diyos. Ang unang misa sa bansa ay naging matagumpay noong umaga ng ika-31 ng Marso, linggo ng pagkabuhay, na pinamunuan ni Padre Pedro Valderrama. Matapos ang misa ay nagtayo ng kahoy na krus ang mga kawan ni Magellan sa pinakamataas na burol sa lugar noong Abril 21, 1521 na ngayo’y kilala bilang Magellan’s cross sa lungsod ng Cebu. Isang lokal na kaugalian ng mga katutubo ang makipagsanduguan, pamamaraan ng pagselyo ng pagkakaibigan, at ito ay malugod