Indigenous People in the Philippines Ano nga ba ang ibigsabihin ng isang Indigenous People? Ayon sa pag depinisyon ng Anthropology, ang indigenous people ang mga orihinal na naninirahan sa isang lupain. Halimbawa sa mga Negrito, sila ang sinasabing mga naunang nakapunta at nanirahan sa bansang Pilipinas. Ang indigenous people din ay ang mga tribu na hindi pa nahahaluan ang kanilang koltura ng mga banyaga. Marami ang mga grupo ng mga Indigenous tao sa Pilipinas na napanatili nila ang kanilang koltura, tradisyon, kaugalian, linggwahe, atbp. Na hindi nahaluan ng impluwensya ng mga banyaga, dahil karamihan sa atin ay tinanggap at tinangkilik na ang pananakop ng mga banyaga tulad ng pag tanggap natin sa Kristianismo at ibang kaugalian na dala ng mga dayuhan. Ayon naman sa pag depinisyon ng batas patungkol sa indigenous people ay ito ang mga groupo ng taong tinanggihan ang politika, pakikipag halobilo sa ibang groupo na nasakop na ng banyaga, mga taong hindi tinangkilik ang ibang relihiyon, mga hiwalay sa karamihan ng mga Pilipino. Mayroon nga din silang batas na “Indigenous Peoples Right Act (IPRA) Chapter II, Section 3h.” Republic act 8371. Ang mga naging paraan nga noon ng mga indigenous people para hindi sila masakop ay ang pakikipag digma nila laban sa mga dayuhan, halimbawa nanga lang ay ang Moro wars, Igorot raids, at iba pa. kaya hindi nag tagumpay ang mga dayuhan na sila ay masakop. Ang ibang naging paraan naman nila ay ang pag punta at pag tago sa mga bundok dito sa Pilipinas. Maraming mga Indigenous peoples sa Pilipinas, dahil ang ating bansa ay mayroong 7,500 na mga isla, at napakarami din ng mga groupo ng mga Indigenous peoples at tinatayang ito ay nasa 106 na groupo. Ngunit maaaring higit pa dito ang mga groupo ng Indigenous people sa ating bansa dahil ang bansang Pilipinas ay mayroong humigit sa 180 na mga linggwahe, isa din ito sa batayan para masabi na ang isang indibidwal o grupo ay kasama sa indigenous people at isa nga din dito ay ang relihiyon. Ayon sa cencus noong 2010 patungkol sa dami ng mga indigenous people dito sa pilipinas, ay tinatayang limang porsyento (5%) ng kabuoang populasyon ng Pilipinas ang dami ng mga indigenous people sa buong Pilipinas, ito ay nasa Apat na milyong mga Filipino ang sinasabing mga indigenous. Ngunit ayon naman sa NCIP or The National Commission on Indigenous Peoples ay sinasabing nasa 12 milyong mga Filipino ang mga indigenous.