Araling Panlipunan 10 Yunit III (Ikatlong Markahan) ARALIN 1 KONSEPTO, BATAYAN AT URI NG KARAPATANG PANTAO Malalaman mo sa araling ito ang konsepto at mga uri ng karapatang pantao. Umiinog ang konsepto ng karapatang pantao sa pagbibigay proteksyon at pagsusulong ng dignidad ng isang tao. Ang karapatang pantao ay nahahati sa dalawa: karapatang pang indibidwal at pangkatan. Ang mga karapatang pang-indibidwal ay ang mga karapatang sibil, pulitikal, pangkabuhayan, panlipunan at pangkultural. Ang mga karapatang pangkatan naman ay ang karapatan sa pagpapaunlad ng kabuhayan, lipunan, at kultural. Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang: 1. Makapagpapaliwanag ng konsepto ng karapatang pantao at ang mga batayan nito; 2. Makasusuri ng mga uri ng karapatang pantao at makapagbibigay- halimbawa ng mga karapatan sa bawat uri; at 3. Makapagpapahayag ng mga kalagayan ng karapatang pantao. Kahulugan at Kahalagahan ng Karapatang Pantao Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan upang siya ay mabuhay. Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan upang siya ay mabuhay nang may dignidad bilang tao. Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang. Ang pagkakamit ng tao ng mga pangangailangan niya tulad ng pagkain. Damit, bahay, edukasyon at iba pang pangangailangan ay nangangahulugan na nakakamit niya ang kanyang karapatan. Hindi maaaring mabuhay ang tao kung hindi niya nakakamit ang kanyang mga karapatan. Mayroon tayong karapatan dahil tayo ay tao. Ang pagkakaroon ng karapatang bahagi na ng pagiging tao at hindi na kinakailangan pang ito ay kilalanin ng pamahalaan sa estado sapagkat likas na itong bahagi ng tao. Mahalagang malaman natin ang ating karapatan upang matamasa natin ang mga pangunahing pangangailangan natin bilang tao. Sinumang umagaw sa ating mga pangangailangan o kumitil sa ating buhay ngang walang dahilan ay lumabag as ating karapatn bilang tao. Maari tayong dumulog sa hukuman kung sakaling nahahadlangan ang ating karapatan. Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala din sa karapatan ng iba. Ang pagkilala sa karapatan ng iba ay nasasaad ng ating obligasyon na igalang ang karapatan ng lahat ng tao. Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspeto ng ating buhay sa lipunang Pilipino. Ang Uri ng Karapatang Pantao KARAPATANG PANTAO Ang mga karapatang pantao ay tumutukoy sa "payak na mga karapatan at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng mga tao. "Kabilang sa mga halimbawa ng mga karapatan at mga kalayaan, na karaniwang iniisip bilang mga karapatang pantao, ang mga karapatang sibil at pampulitika, tulad ng karapatang mamuhay at kalayaan, kalayaan sa pagsasalita, at ang pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; at mga panlipunan, pangkalinangan at pangkabuhayang karapatan, kasama ang mga karapatang makilahok sa kalinangan, karapatan sa pagkain, karapatang makapaghanapbuhay, at karapatan sa edukasyon. Ang karapatang pantao ay nahahati sa karapatan bilang indibidwal at pangkatan. 1. Indibidwal o personal na karapatan. Ito ay ang mga karapatan na pag-aari ng mga indibidwal na tao para sa pagunlad ng sariling pagkatao at kapakanan. Ang mga karapatang ito at ang sibil o pulitikal ng karapatan, ang panlipunan, pangkabuhayan, ay kultural na karapatan. a. Karapatang Sibil . Ito ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at mapayapa. Ilan sa mga halimbawa ng karapatang sibil ay ang karapatang mabuhay, pumili ng lugar kung saan siya ay maninirahan, maghanapbuhay at mamili ng hanapbuhay. b. Karapatang Pulitikal. Ito ang mga karapatan ng tao na makisali sa mga proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan tulad ng pagboto ng mga opisyal, pagsali sa referendum at plebisito. c. Karapatang Panlipunan. Ito ay ang mga karapatan upang mabuhay ang tao sa isang lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan. d. Karapatang Pangkabuhayan. Ito ang mga karapatan ukol sa pagsususulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay. e. Karapatang Kultural. Ito ang mga karapatan ng taong lumahok sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.