Leandro Kyle I. Medina Readings In Philippine History BS Physics 3-2 February 22, 2023 Reflect on the taong nakaupoand the modern principalia Ang kantang “Upuan” ay galing sa kaniyang kauna-unahang labas na kanta ni Filipino rapper na si Gloc 9, kasama ang mang-aawit na si Jeazell, noong 2009. Isa itong patungkol sa mga taong nakaupo sa matataas na posisyon sa Pilipinas at isang pagkkwestyon sa kanilang ginagawa, o kulang sa paggawa, para sa taumbayan. Sinimulan ang kanta sa isang nakakahuling tono at linya ng saknong. “Kayo po na nakaupo Subukan niyo namang tumayo At baka matanaw, at baka matanaw na niyo Ang tunay na kalagayan ko” Ang tinutukoy na “kayo na nakaupo” ay ang mga taong nakaupo sa matataas na posisyon sa gobyerno ng Pilipinas. Sila ang mga elitista na tinutukoy ni Gloc 9 sa kaniyang sumunod na rap. Sila ang mga taong naninirahan nang taimtim sa mga malalaking bahay na may matataas na pader at malawak na bakuran. Ang mga nakaupong ito ay ang mga taong kahit walang kasal o okasyon ay nakasuot ng barong. Ang mga nakaupo na tinutukoy ay ang mga nasa pwesto ng gobyerno na may kahon-kahon ng mga putting bigas at kahit hindi pasko ay mayroong hamon na makakain sa hapag-kainan. Ang mga sumunod na linya sa saknong ay isang mensaheng binabatid ng mamamayan, ang paggamit ng “ko” ay nagsisimbolo sa lipunan, para sa mga nasa gobyerno. Ang kanilang mensahe ay maliwanag na pinahiwatig ni Gloc 9 sa kaniyang rap, panduduro sa kanilang matinong pamumuhay habang ang karamihan ay naghahangad ng ganoong buhay. “Ang sarap siguro manirahan sa bahay na ganyan” nagpapahiwatig na ang nagmemensahe ng kanta ay nangangarap, naghihirap, at matinding nagsusumikap sa buhay upang makatawid sa pangaraw-araw. Sinabi rin sa saknong na ito na “baka matanaw na niyo ang tunay na kalagayan ko”, ito ay nagpapahiwatig na ang mga nakaupo sa gobyerno ay bulag at walang nabibigay na tamang tulong para sa mga mamamayan. Ang mga nakaupo ay nahaharangan ng mga maatataas na kaniyang pader kaya’t hindi niya nakikita ang mga paghihirap na dinadanas ng kaniyang mga mamamayan. Dahil sa kaniyang magandang pamumuhay ay nakaklimutan niya na hindi lahat ay may maganda ring buhay.