ANG EKOPANULAAN (Ecopoetry) Ang ekopanulaan ay pinagsamang salitang ekokritisismo at tula. Ito ay nasa anyong tula na ang pinagtutuunan ng pansin ay ang ekolohikal na mensahe. Ang pagpasok ng mga tulang may kinalaman sa kapaligiran ay hindi na bago sa Pilipinas, ang bago sa kasalukuyan ay ang pagtanggap na bahagi na ng literatura ang ekokritisismo bilang teorya sa pagsusuri sa mga tekstong may kinalaman sa kapaligiran at kalikasan. Si Rina Garcia Chua, na editor ng Sustaining the Archipelago: An Anthology of PhilippineEcopoetry, ang kauna-unahang antolohiya ng ekopoetika sa Pilipinas ay nagsabing: Ecopoetry is a complex term that stems from three terminologies: nature poetry, environmental poetry, and ecological poetry. Borrowing from Anne Fisher-Wirth and Laura-Gray Street’s Preface for The Ecopoetry Anthology, I will define these: nature poetry has been around as long as poetry has been; thus, this is poetry that describes and is inspired by nature or the environment. Pagsusuri sa Tulang Kalikasan - Saan ka Patungo? ni Avon Adarna Nakita ng buwan itong pagkasira, Mundo’t kalisakasan ngayo’y giba-giba, Ang puno – putol na, nagbuwal at lanta, Ang tubig – marumi, lutang ang basura. Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan, Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam, At nakipagluhaan sa poong Maylalang, Pagkat ang tao rin ang may kasalanan. Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon, Nasira ng usok na naglilimayon, Malaking pabrika ng goma at gulong, Sanhi na ginawa ng pagkakataon! Ang dagat at lawa na nilalanguyan Ng isda at pusit ay wala nang laman, Namatay sa lason saka naglutangan, Basurang maburak ang siyang dahilan! Ang lupang mataba na bukid-sabana, Saan ba napunta, nangaglayag na ba? Ah hindi... naroon... mga mall na pala, Ng ganid na tao sa yaman at pera.